top of page
Search
  • BULGAR

Paggamit ng (PRNs) payment reference numbers sisimulan sa Abril 2021- SSS

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 8, 2021




Hello, Bulgarians, inihayag kamakailan ng Social Security System (SSS), ngayong Abril 1, kakailanganin ang computer-generated payment reference numbers (PRNs) para sa short-term loan payment, ang billing na sakop nito ay magsisimula ngayong Marso 2021. Ang PRN ay nabuong number system sa billing statement ng miyembro (self-employed, voluntary, Overseas Filipino Worker) o employer, upang mapabilis at tama ang pag-post ng mga payment sa kanilang loan accounts.


Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, nagsimulang ipatupad ng SSS ang paggamit ng PRN para sa short-term loan payment ng miyembro noong nakaraang taon bilang bahagi ng programang Real-Time Processing of Loans (RTPL). Kasama sa mga transaksyon ng system ang salary, calamity, emergency, at restructured loans.


“Since November 2020, we have been sending loan billing notices to member-borrowers and employers. This loan billing statement or notice contains a corresponding PRN, which individual members and employers must present when paying at SSS branches with Automated Tellering System (ATS) or any RTPL-compliant collecting partner,” pahayag ni Ignacio.


Mula sa una hanggang ikaanim na araw ng bawat buwan, bumubuo ang SSS ng billing statements at notices na mayroong PRN na ipinapadala sa mga miyembro at employer sa pamamagitan ng email at mga nakarehistrong mobile number.


Kung sakaling kailangang baguhin ng miyembro o employer ang halagang babayaran sa nasabing statement, maaari nilang gawin ito sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account, kung saan ang employer ay dapat din magsumite ng isang electronic-Loan Collection List (e-LCL).


Ang mga RTPL-compliant collecting partners ay tatanggap lamang ng mga bayad na may PRN upang maiwasan ang mga error sa pag-post sa PRN at Non-PRN.


Inilunsad ng SSS ang programa ng RTPL noong Nobyembre 2019 bilang bahagi ng pagsunod nito sa direktiba ng Pangulo ng Pilipinas na gawing digital ang mga proseso ng negosyo, alinsunod sa Ease of Doing Business Act ng 2018. Simula noon, ang SSS ay nagpatuloy na paunlarin ang programa upang makinabang ang miyembro at employer sa pamamagitan ng pagpapahusay ng proseso sa short-term member loan, tulad ng pag-file sa online ng salary at calamity loan, pagpapautang sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), at ang paggamit ng PRN para sa loan payment.


Para sa karadagdagang impormasyon, sundan ang SSS sa Facebook, YouTube at “Philippine Social Security System,” Instagram at “mysssph,” Twitter at “PHLSSS,” o sumali sa Viber Community at “MYSSSPH Updates.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page