top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagdalo ni ex-P-Duterte sa Kamara hearing, kaabang-abang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 1, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


IMBESTIGASYON NG KAMARA SA ‘GENTLEMAN’S AGREEMENT’ TULOY NA, PERO ANG TANONG, MAGISA KAYA NG MGA CONG. SI EX-P-DUTERTE? -- Mismong si House Speaker Martin Romualdez na ang nagsabi na tuloy daw ang isasagawang imbestigasyon ng Kamara tungkol sa napaulat na ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan nina ex-P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping na may kaugnayan sa isyu ng BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea (WPS).


Kaya’t ang tanong: Magisa naman kaya ng Kamara si ex-P-Duterte sa isyung ito, abangan! 


XXX


BAKA KAPAG NASA KAMARA NA, I-TWIST NI EX-P-DUTERTE ANG ISYU SA ‘GENTLEMAN’S AGREEMENT’ AT MAGBULGAR ANG TUNGKOL SA PORK BARREL POLITICIANS -- Sa totoo lang, kapana-panabik kapag dumalo si ex-P-Duterte sa gagawing imbestigasyon ng Kamara tungkol sa ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan nina ex-P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping sa BRP Sierra Madre.


Baka kasi ang mangyari, imbes sumagot sa usapin ng ‘gentleman’s agreement’ sa BRP Sierra Madre ay i-twist ni ex-P-Duterte ang isyu, at ibulgar ng live sa House hearing at pangalanan ang mga kongresistang pork barrel politicians, boom!


XXX


SA LABOR DAY, IMBES MAGDAGDAG NG TRABAHO SA PINOY ANG MARCOS ADMIN, LIBU-LIBO PA ANG TINANGGALAN NG HANAPBUHAY -- Ngayong araw na ito ng Labor Day, May 1 ay libu-libong tsuper at operators ng traditional jeepney na tutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ang tinanggalan ng hanapbuhay ng Marcos administration sa pamamagitan ng pagkansela sa prangkisa ng kanilang mga pamasadang PUV.


Lupit din naman ng Marcos admin, kasi imbes magdagdag ng trabaho sa mismong Labor Day, eh ang ginawa, tinanggalan pa ng hanapbuhay ang mga tsuper at operators ng mga traditional jeepney, tsk!


XXX


NOON, ECONOMIC CHA-CHA DAW ANG TUGON SA KAHIRAPAN, PERO NGAYON POLITICAL CHA-CHA NA RAW ANG SOLUSYON SA KAHIRAPAN -- Ayon kay Sen. Robin Padilla, ang isinusulong daw niyang pag-amyenda sa political provisions sa 1987 Constitution o ang “Political Charter Change (Cha-cha)” ang tugon sa kahirapan ng mga Pinoy.


Hay naku, dati sabi ni Sen. Padilla at ng ibang senador at kongresista, ang pag-amyenda raw sa economic provisions ng Konstitusyon o ang “Economic Cha-cha” ang solusyon sa kahirapan ng mga Pinoy, tapos ngayon, “Political Cha-cha” na raw ang solusyon sa paghihirap ng sambayanang Pinoy, ang gulo-gulo, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page