by Angela Fernando @News | July 26, 2024
Ipagpapaliban muna ng mahigit sa 90 pampublikong paaralan ang pagbubukas ng klase dahil sa matinding epekto ng Super Typhoon Carina na pinalakas pa ng Southwest Monsoon. Ito ay ayon sa kumpirmasyon ni Education Secretary Sonny Angara.
Kabilang sa mga lungsod na mauusod ang pagbubukas ng klase ay ang Malabon at Valenzuela. Ang desisyon na ito ay bunga ng pinsalang dulot ng bagyo at Habagat, na nagresulta sa pagbaha at pagkasira ng mga imprastruktura sa mga apektadong lugar.
Magbubukas muli ang mga paaralan sa Malabon City sa Hulyo 31, habang ang mga nasa Valenzuela City ay ililipat ang pagbubukas ng klase sa Agosto 5 imbes na sa orihinal na schedule na Hulyo 29.
댓글