Pagbebenta ng FDA-approved test kits sa botika hindi pa rin pinapayagan — DOH
- BULGAR

- Jul 12, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 12, 2020

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon, na ang rapid antibody test kits para sa coronavirus o covid-19 ay hindi pa rin mabibili sa mga drug stores at hindi pinapayagan ng Department of Health (DOH).
Ito ang pagtatama ni Vergeire, matapos ang unang naipahayag sa Laging Handa public briefing, kung saan nasabi niyang ang FDA-approved rapid test kits ay maaari nang mabili ng publiko sa mga drug store.
“I stand corrected, rapid antibody tests cannot be bought in pharmacies as it cannot be self-administered. Only facilities with the guidance of a doctor can provide the tests,” sabi ni Vergeire.
Sa unang pahayag ng kalihim, maaari nang magbenta ng rapid test kits sa mga botika.
“Itong pagbebenta ng rapid anti-body tests sa drug stores, ito ay hindi naman ipinagbabawal, ngunit kailangan po rehistrado ng FDA ‘yung ating ibinibenta diyan,” sabi ni Vergeire.
Subalit, ipinagbabawal ang online selling ng mga rapid test kits na hindi inaprubahan ng FDA at may kaukulang sanctions ang magbebenta nito.
“Kapag po nakita and nagkaroon ng ebidensiya na talagang hindi rehistrado ang ibinibenta nila, may ma kaukulang sanctions po ‘yan ayon sa ating batas,” ayon pa sa Health official.
May kabuuang 204 covid-19 test kits na inaprubahan ng FDA, kasama dito ang 71 polymerase chain reaction (PCR)-based test kits, 77 rapid antibody test kits, 51 immunoassay test kits at 5 iba pa.








Comments