top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagbalik-pasada ng 55K jeepney drivers, good news!

BULGAR
Aug 13, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 13, 2022


Dahil sa pandemya at patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo, maraming public utility vehicle (PUV) drivers ang piniling magtigil-pasada, partikular ang mga jeepney driver.


Bukod sa halos hindi na kumikita, doble pa ang pagod. Nagdulot naman ito ng matinding hirap sa mga komyuter dahil sa kaunting bumabiyaheng PUVs, kaya inaabot ng ilang oras ang dating mabilis na biyahe, dagdag pa ang pagtaas ng pamasahe.


Gayunman, unti-unti nang bumabalik sa kalsada ang mga jeepney driver na tumigil sa pagpasada. Ayon sa presidente ng PISTON na si Ka Mody Floranda, nasa mahigit 55,000 unit ng jeep ang nakabalik sa pagpasada.


Ito ay dahil na rin sa muling pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mahigit 100 ruta bilang parte ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 22.


Samantala, dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo, pumayag na rin ang ilang operators na muling mamasada ang kanilang mga drayber. Habang ang ilang operators ay hirap pang makabalik sa pamamasada ng mga jeep dahil kailangan pang ipaayos ang mga unit matapos ang halos dalawang taong pagkakatengga.


Ikinatuwa ng maraming tsuper ang kanilang pagbabalik-pasada. Ibig sabihin kasi, mas may tsansa nang kumita dahil sa bahagyang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, gayundin, mas marami na ang mga pasahero.


Sa totoo lang, marami pang drayber na naghihintay ng oportunidad na makapasada sa gitna ng pandemya, sana’y makabalik din sila sa hanapbuhay.


Kaunting naman ginhawa ito para sa mga komyuter at tsuper at hangad nating madagdagan pa ang mga papasadang PUVs.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page