top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagbabalik-ruta ng higit 100 PUVs, ginhawa sa mga komyuter

BULGAR
Aug 1, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 1, 2022


Mula nang putulin ang ruta ng mga public utility vehicles (PUVs) nang magkaroon ng pandemya, dagdag-gastos at ubos sa oras ang reklamo ng mga komyuter.


Ang siste, doble ang pamasahe dahil ang dating isang sakay ay nagiging dalawa at napapatagal ang biyahe.


Bilang parte ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong buwan, muling bubuksan ang lagpas 100 ruta para sa pampublikong sasakyan.


Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Cheloy Garafil, muling bubuksan ang 36 ruta ng mga bus at 100 ruta ng mga jeep at UV express sa ngayong linggo kaugnay sa papalapit na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 22.


Dagdag pa ng opisyal, ang mga naturang ruta ay maaaring maging permanenteng bukas. Bagay na malaking tulong sa mga komyuter at bumabiyaheng tsuper.


Matatandaang, matagal nang hiling ng mga bus at jeep operators na ibalik ang kanilang dating ruta, pero prayoridad ng LTFRB ang mga rutang papunta at dumadaan sa university belt.


Ngunit kung magiging permanente ito, gaya ng nabanggit ay maraming makikinabang. Win-win sa panig ng mga komyuter, gayundin ang mga operators at drayber.


Sa ngayon, sana’y tiyak na tiyak nang makakagaan ang pagbabalik-ruta sa maraming problema sa sektor ng transportasyon.


At sa mga susunod na araw at linggo, hangad natin ang iba pang mga hakbang para sa ikagiginhawa ng ating mga komyuter.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page