Pagbaba ng inflation rate ‘pag ibinida ni P-BBM sa SONA, fake news!
- BULGAR
- Jul 6, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 6, 2023
MABA-BAN TALAGA ANG MGA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NI QUIBOLOY KASI SANDAMAKMAK NA KASO NIYA, NAGPAPANGGAP PA SIYANG ANAK SIYA NG DIYOS -- Matapos i-ban ng Google ang YouTube account ni Pastor Apollo Quiboloy, ay na-ban na rin ang kanyang TikTok account.
Maba-ban talaga mga social media account ni Quiboloy kasi sa kabila na may sandamakmak siyang kaso sa United States (U.S.) tulad ng sex child trafficking, sex trafficking by force, fraud and coercion, bulk cash smuggling at human rights violations, ay nampi-fake news pa siya, nagpapanggap pa siyang “anak daw siya ng Diyos”, kinukumpitensya pa ang totoong anak ng Diyos na si Jesus Christ, period!
◘◘◘
PAGBABA NG INFLATION RATE, FAKE NEWS! -- Fake news ang ibinibida sa publiko ng mga Marcos appointee sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mula sa 6.1% inflation rate noong Mayo, ay bumaba raw ito sa 5.4% nitong nakalipas na Hunyo 2023.
Nasabi nating fake news ito, kasi hindi naman bumababa ang presyo ng mga bilihin sa palengke at grocery, at ang billing sa kuryente at tubig ay hindi rin naman bumababa.
Katunayan nga ay may nadagdag pang pahirap sa mga motorista na dagdag-bayad sa toll fee sa NLEX at aprubado na rin sa Marcos admin ang dagdag-pasahe sa LRT 1 at LRT 2 na mag-i-start sa susunod na buwan ng Agosto 2023, boom!
◘◘◘
FAKE NEWS NA PAGBABA NG INFLATION RATE TIYAK IBIBIDA NI P-BBM SA KANYANG SONA -- Ang fake news ng PSA patungkol sa pagbaba ng inflation rate ay tiyak isasama ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na kanyang ibibida sa State of the Nation Address (SONA) niya sa July 24, 2023.
At asahan nang kapag binanggit ni P-BBM sa kanyang SONA na 5.4% na lang ang inflation rate ay tiyak magpapalakpakan ang mga pro-Marcos senators at congressmen bilang pakikiisa sa pang-uunggoy sa mamamayan na bumaba na ang presyo ng mga bilihin at bayarin, kahit hindi naman, period!
◘◘◘
MAYOR MAGALONG, GEN. PEREDO AT COL. LONOGAN WALA PA RING AKSYON LABAN SA MGA MANRARAKET SA BAGUIO CITY -- Walang alisan sa puwesto ang mga raket na color games at drop balls nina "Edna" at "Jimmy" at "Nestor" sa Magsaysay Road at Kayang Hill Top, at mini-casino ni "Patrick" sa Legarda Road at Bokawkan Road, sa Baguio City.
Patunay ‘yan na walang ginagawang aksyon sina Mayor Benjamin Magalong, PNP-Cordillera Director, Gen. David Peredo at city chief of police, Col. Glenn Lonogan laban sa mga manraraket sa Baguio City, boom!





Comments