Search
  • BULGAR

Pag-uwi ng LSI sa Visayas, suspendido ng 2 linggo

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Suspendido ng dalawang linggo ang pag-uwi ng mga locally-stranded individual (LSI) sa Western at Eastern Visayas ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na inaprubahan niya ang suspensiyon simula ngayong Linggo upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar.

“Kailangan natin itong gawin dahil ang mga LSI ang nagdadala ng virus sa probinsiya. Ito ay ayon sa nakalap na impormasyon sa Bacolod at Iloilo,” sabi ni Lorenzana.

Dagdag pa nito, ang suspensiyon ay iniutos din ng ilang Local government units (LGU) sa lugar na ‘yon.

Kaya naman, sinabi ni Lorenzana na manatili muna sa kasalukuyang tinutuluyan ang mga LSI. “Kinakailangan nilang maghintay sa tinutuluyan nila. Huwag silang agad na pumunta sa airport o sa seaport. Kulang din kasi ang quarantine facility sa lugar nila kaya naman hintayin na lamang na pumayag ang LGU na makapasok sila”, dagdag niya.

Samantala, ang Hatid Probinsiya para sa mga LSI ay pansamantalang pamumunuan ng National Task Force on COVID-19.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.