top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

'Pag tapos na raw, tapos na… ANGELICA, 'DI NA FEEL MAGPADILIG SA EX-BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2020
4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 6, 2020




“'Kakaloka, nooooo waaaaay!” ito ang grabeng reaksiyon ni Angelica Panganiban sa tanong ng netizen sa digital show niyang #AskAngelica last Sept. 27.

Ang tanong ni Gerson Maranan kay Angge ay, "‘Pag inaya ka ng ex mo na diligan ang mga tuyot niyang halaman, sasamahan mo ba?"

Hirit ng komedyanang si Via Antonio na co-host ni Angelica sa kanyang online show, "Bakit Angge? Bakit grabe ang reaksiyon mong no? Bilang plantita ka, love for the tagtuyot?"

"Nadiligan ka na noon, hindi ka naman nabuhay, 'di ba? Bakit ka pa magpapadilig ulit kung ikakamatay mo rin lang naman!” katwiran ni Angelica.

Napapalakpak si Via, at maging si Bela Padilla na guest sa show that time kasama ni Kim Chiu, sa sagot ng aktres.

Hirit pa ni Angelica, “Tantanan na natin ang mga ex na ‘yan! Ex is X, X (sign) is wrong and Check (sign) is right.”

Dagdag din ni Bela, “Dapat 'pag tapos na, tapos na.”

“Right. I think tayong mga babae, ganu’n tayo (tapos na tapos na),” sambit ni Via.

Tanong naman ni Kean Cipriano (co-host din ni Angge) sa tatlong aktres, “Wait, wala ba kayong mga ex na kaibigan n’yo pa rin or in good terms kayo?”

Sagot kaagad ni Bela, “Okay lang na kaibigan pero kung more than that, pero 'pag adult na, dapat meron kang age na kaya mo nang harapin ‘yung mga tao. Ang liit-liit lang ng Manila, 'di ba? Paano kapag nagkasalubong kayo, dapat okay kayo.

"Puwedeng mature relationship na kaya kong kaibiganin ‘yung ex ko, pati ‘yung bago niyang girlfriend, pero ‘yung kailangan mong maligo kasi magkikita kayo, alamin mo rin muna, baka naghihingalo pala kaya kailangan ng tulong at gustong magkita kayo.”

Ang paliwanag naman ni Kim, “Hindi na, ‘di na. Wala nang ganu’n. Hi (and) hello na lang ‘yun (sabay muwestra ng kamay), ganyan na lang, tapos, alis na.”

“Ganyan ka ba mag-hi sa mga ex mo?” natatawang tanong ni Bela kay Kim.

Sagot kaagad ni Kim, “Grabe ka naman maka-mga, isa pa lang naman.”

Oo nga naman, isa pa lang naman ang ex ni Kim, si Gerald Anderson, at pagkatapos nila ay si Xian Lim na ang naging boyfriend ng dalaga na pakiwari namin ay siya na ring future niya.

Ang next question ay ano ba ang uunahin — ang love life o self-love?

Ang payo ni Angge, “Huwag n’yong minamadali kasi ang mga sarili ninyo, hindi naman nagkakaubusan ng tao sa mundo. May taong para sa inyo, huwag n’yo ring ilagay ang mga tao sa posisyon dahil hindi pa kayo ready. Huwag ilagay sa posisyon dahil kailangan n’yo lang o convenient lang.”

Dagdag-payo rin ni Kean, "Enjoy-in mo rin ‘yung time na hindi pa kayo officially. Kasi ‘yun ang pinakamasarap na stage, ‘yung naglalandian pa kayo."

Samantala, sa simula ng #AskAngelica ay natanong ni Angge ang mga kaibigang sina Bela at Kim kung tagtuyot sila o tag-ulan.

“Ikaw Momshie Bela sa tagtuyot, nakaka-relate ka ba?”

“Siyempre, ha, ha, ha!” tumawang sagot ng dalaga.

“Ay, ang bilis ng sagot, ha, ha, ha!” biro naman ni Angelica.

“Oo, ibigay na natin, alam naman nilang lahat (single ako). Ang hirap na nga dati, nag-pandemic pa, ha, ha, ha!” masayang sabi ni Bela.

Nagkatawanan naman sina Angelica, Kean at Kim.

Sinayaw ng apat ang theme song ng #AskAngelica at dapat sa dulo ay may ‘umm’.

Tinanong ni Kim kung ano'ng spelling ng "Umm."

Sagot kaagad ni Bela, “Ummh..Z”

Sabay-sabay na tanong nina Angelica, Kean at Kim, “Ay, bakit may Z?”

Si Zanjoe Marudo kasi ang huling lalaking na-link kay Bela.

At natawa rin ang bida ng pelikulang 100 Tula Para Kay Stella, “Tigilan mo ako, Zian (baling kay Kean) ay, Kean.”

“Ay, bakit mo naman isinali si Xian, nagpapahinga ‘yun?” tanong ni Kim sa kaibigan.

“Kasi ikaw na raw ‘yung tagtuyot, Momshie,” natawang sabi ni Bela.

Si Kim naman ang tinanong ni Angelica, “Momshie, how are you? Are you tag-ulan?”

Inosenteng tanong ni Kim, “Anong tag-ulan?"

Inalaska tuloy siya nina Kean, Bela at Angelica, “Oh, you’re so innocent.”

Samantala, tatlong taon nang single si Angelica at nagpapasalamat siya sa mga kaibigang sina Bela at Kim dahil sila ang karamay niya sa panahong dumaan siya sa matinding pagsubok pagdating sa love life.

“Ang ganda ng take-away ng friendship na kahit hindi kayo nag-uusap regularly, kahit na nagkakasama-sama kayo — siguro twice a year na kaming tatlo, siyempre, nagkakasama-sama rin kami like tig-isa sa aming tatlo like kami ni Bela or si Bela at si Kim, kami ni Kim — iba-iba rin talaga ‘yung nagiging bonding.

“For me, ang nakikita kong pinakaimportanteng relationship sa buhay ay family and friends and of course, relationship with myself. As long as kaya mong maging masaya alone, then it will flourish, talagang para ka na lang sprinkle diyan sa garden na nagbibigay ka ng joy sa lahat, ikaw ‘yung nagdidilig para sa lahat, kasi punumpuno ka na ng ganu’ng happiness, punumpuno ka na ng love na kaya mo nang i-share."

Pag-amin pa ni Angge, “And Kim and Bela, sila ‘yung unang taong tinakbuhan ko noong inindiyan ako ng ex ko sa panahong dapat makikipaghiwalay siya sa akin. Nandoon sila, nagko-Korean-Korean lang sila ru'n.

“So, nandu'n sila and the friendship blossomed, mahal na mahal namin ang isa’t isa at kaya kong pumatay para sa kanila (emosyonal na sina Kim at Bela).

“I survived 3 years of my single life because of Kim and Bela (tuluyan nang naluha ang dalawa).

“Itong tagtuyot, hindi mo ito makukuha sa lalaki or sa love life, puwede mo itong makuha sa pamilya mo at sa friends mo. Hindi porke tagtuyot, wala kang ganap. You are loved! You are so loved!

“Hindi mo ibabase ang buhay mo sa isang tao lang. Ibabase mo ang buhay mo dahil sa paniniwala mo, sa pagkatao mo at doon ka tatayo,” mahabang paliwanag ni Angelica.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page