top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Pag simpleng mamamayan ang nag-videoke, bawal pero pag si Panelo, oks lang, buwisit!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 21, 2020



ANG MALI, GINAGAWANG TAMA NG GOBYERNO—Ipinagbawal ng IATF (Inter-Agency Task Force) ang pagbi-videoke ngayong Kapaskuhan dahil posible umanong pagmulan ito ng hawaan ng COVID-19, pero nang mag-viral sa social media na nagbi-videoke si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang restaurant sa Makati City, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na wala silang planong imbestigahan ito kasi may nag-request lang sa presidential legal counsel na kumanta sa restaurant.


'Yan ang bad sa gobyernong 'to kasi 'yung maling ginawa ng gov't. official, pinipilit nilang gawing tama sa mata ng publiko, pwe!


◘◘◘


GOV. ALBANO IPINAGBAWAL ANG STL SA ISABELA, GOV. REMULLA AT GOV. YNARES, TINOLERATE ANG PERYA NG BAYAN SA CAVITE AT RIZAL?—Ipinagbawal ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery) sa buong lalawigan dahil sa sugal na ito ay malalabag daw ang social distancing kasi tiyak magkakaroon ng contact ang kubrador at mananaya na posibleng pagmulan ng hawaan ng coronavirus.


Mabuti pa si Gov. Albano, inisip ang kapakanan ng kanyang mga kababayan, pero sina Cavite Gov. Jonvic Remulla at Rizal Gov. Rebecca Ynares parang walang mga pakialam kung magkahawaan man ng virus ang kubador at mananaya kasi inaprub nilang mag-operate sa kanilang lalawigan ang pasugalang "Perya ng Bayan" ng Chinese na si "Mr. Yap," buwisit!


◘◘◘


P-DUTERTE, TUMIKLOP SA ICC—Noong August 6, 2016, ito ang sinabi ni P-Duterte sa harap ng publiko tungkol sa mga sangkot sa droga..."“My order is shoot to kill you. I don’t care about human rights, you better believe me."


Pero nang sabihin ng International Criminal Court (ICC) na may basehan na para sampahan ng kasong crimes against humanity, biglang tumiklop si P-Duterte, at aniya, wala naman daw siyang utos sa pulis at militar na pumatay ng tao, boom!


◘◘◘


BODY CAMS ANG DAPAT BILHIN NI GEN. SINAS, HINDI BULLET PROOF VESTS—Bibili raw si PNP Chief Gen. Debold Sinas ng mga bullet proof vests para sa mga pulis.


Hindi dapat 'yan ang bilhin, kundi body cams para hindi napaparatangang gumagawa ng EJK at pagtatanim ng ebidensiya ang mga parak, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page