top of page
Search
  • BULGAR

‘Pag si VP Sara natanggal sa DepEd, alam na kung sino nagpasibak sa kanya

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 20, 2024




SABI NI FL LIZA, BAD SHOT DAW SI VP SARA, KAYA KAPAG ANG BISE PRESIDENTE SINIBAK SA DEPED, ALAM NA KUNG SINO NAGPASIBAK SA KANYA -- Sa interview ni Anthony “Tunying” Taberna kay First Lady Liza Araneta-Marcos ay tahasang sinabi ng Unang Ginang na bad shot na sa kanya si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio dahil bukod sa mga pag-atake ng tatay nito na si ex-P-Duterte at kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte, ay natawa pa raw ang bise presidente nang sabihan ng kanyang ama (ex-P-Duterte) na adik at bangag sa cocaine ang mister niyang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Kaya’t kung sakaling matanggal si VP Sara bilang kalihim ng Dept. of Education (DepEd) ay alam na kung sino nagpasibak sa kanya, boom!


 

KAYA LANG NAMAN PANAY ATAKE NI HARRY ROQUE KAY PBBM KASI HINDI SIYA NAGKAPUWESTO SA MARCOS ADMIN -- Ayon kay former presidential spokesman Harry Roque, isa raw siya sa 31M botante na “nabudol” ni PBBM, kasi akala raw niya ay good ang gagawin nitong pagpapatakbo sa pamahalaan, iyon pala raw ay bad.


Sa totoo lang, kung nabigyan ng puwesto si Roque sa Marcos administration ay tiyak pulos papuri ang gagawin nito kay PBBM, at kaya lang naman panay ang atake nito sa Presidente dahil nga “wa’ siya” puwesto ngayon sa pamahalaan.


Ganyan kasi ang karakter ni Roque, tulad noong bago ang 2016 presidential election, nanawagan pa ito sa publiko na huwag iboto ang noo’y presidential candidate na si Digong Duterte dahil mamamatay tao raw ito, pero nang gawin siyang presidential spokesman ni ex-P-Duterte todo puri na siya sa noo’y Pres. Rodrigo Roa Duterte, he-he-he!


 

MATAPOS PASARINGAN NI PBBM SI EX-P-DUTERTE, ASAHAN NA RERESBAK NANG ATAKE ANG EX-PRESIDENT SA PRESIDENTE -- Nang masabat ng mga otoridad ang higit dalawang toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas ay tila pinasaringan ni PBBM si ex-P-Duterte na kaya naman labanan ng gobyerno ang illegal drugs sa bansa nang walang dumadanak na dugo.


Dahil sa pasaring na ‘yan ni PBBM ay asahan nang reresbak uli at aatakehin na naman siya ng mga masasakit na salita ni ex-P-Duterte, abangan!


 

SANA TOTOONG PAPANAGUTIN NI PBBM ANG MGA PULITIKO AT GOV’T. OFFICIALS NA MASASANGKOT SA DROGA AT HINDI PABIDA LANG -- Nagbabala si PBBM sa mga pulitiko at mga gov’t. official na mananagot sila sa kanyang administrasyon kapag sila ay nasangkot sa kalakaran ng droga sa bansa.


Sana totoo ang sinabing ‘yan ni PBBM at hindi pabida lang, kasi noon ay nagbabala rin siya sa mga agri smuggler, pero ang masaklap hanggang ngayon kahit isa ay wala pa siyang naipapakulong na smuggler sa ‘Pinas, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page