‘Pag nakurakot ang P500B Maharlika Investment Fund, sisikat ang “Rob the Philippines” sa buong mundo
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 1, 2023
KAHIT WALANG GOOD MORAL CHARACTER SI GADON, TANGGAP PA RIN SA MARCOS ADMIN -- Isa sa qualification ng mga tanggapan, mapa-gobyerno man o mapa-pribadong kumpanya sa mga taong nag-aaplay ng trabaho ay ‘yung may good moral character.
Si Larry Gadon ay walang good moral character dahil madalas siyang magmura, mambastos at magbanta sa buhay ng tao, kaya’t marami talaga ang nagalit kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) nang ipasok niya ito sa kanyang gobyerno at gawin pang high ranking official kahit na bad ang karakter nito, boom!
◘◘◘
KAILANGAN DAW NI P-BBM SA KANYANG ADMINISTRASYON ANG MAY MASAMANG ASAL NA TULAD NI GADON -- Unanimous ang boto ng 15 mahistrado na nag-disbar kay Gadon sa pagiging abogado dahil sa masamang asal nito. Pero sa kabila ng naging desisyong ito ng Supreme Court (SC) ay todo-tanggol pa rin dito si P-BBM, na kesyo kailangan daw ng kanyang gobyerno ang tulad ni Gadon.
Kumbaga, parang isinapubliko na rin ni P-BBM na welcome, puwedeng magtrabaho sa kanyang administrasyon ang mga taong masama ang asal na tulad ni Gadon, period!
◘◘◘
KAPAG P500-B MAHARLIKA INVESTMENT FUND NAKURAKOT, MASASAPAWAN NG ‘ROB THE PHILIPPINES’ ANG ‘LOVE THE PHILIPPINES’ --Kabilang ang "Love the Philippines" at "Maharlika Investment Fund" sa mga maiinit na isyung pinag-uusapan ngayon.
Ayon kay Sec. Cristina Frasco ng Dept. of Tourism (DOT) ay mismong si P-BBM daw ang may gusto ng slogan na "Love the Philippines" para raw mas sumikat sa mundo ang turismo sa ‘Pinas. Ayon naman sa mga pro-Marcos senator at congressmen na kaya raw nila ipinasa ang Maharlika Investment Fund ay dahil gusto raw ito ng Presidente.
Naku, huwag naman sanang makurakot ang P500 billion na mula sa kaban ng bayan at pera ng mamamayan na ipampopondo sa MIF, kasi kapag ‘yan ang nakurakot, tiyak na mas sisikat pa sa mundo ang "Rob the Philippines" kaysa sa "Love the Philippines," boom!
◘◘◘
FAKE NEWS ANG SINABI NI KABAYAN PARTYLIST REP. SAYO NA PERFECT PERFORMANCE NI P-BBM -- Isang taon na sa puwesto ngayon si Pres. Bongbong Marcos, at ayon kay Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ay halos perfect daw ang naging performace ng Presidente sa loob ng isang taon.
Dahil sa sinabing ito ni Cong. Salo ay pinutakti siya nang batikos ng netizens sa social media kasi fake news ang statement niyang ito dahil sa totoo lang, wala pa namang nagmarka sa isipan ng mamamayan, at sa halip ay pulos pahirap tulad ng mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, dagdag-bayad sa toll fee sa NLEX at ang nagbabadyang taas-pasahe sa LRT 1, LRT 2 at MRT, period!





Comments