top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

‘Pag may rollback sa presyo ng langis, dapat bumaba rin ang presyo ng mga bilihin

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 27, 2023



SURVEY NG RPMD, FAKE NEWS DAHIL SA DAMI NG PERFORMANCE NI SEN. BONG GO, INILAGLAG SIYA SA RANK 6—Marami ang napataas ang kilay sa inilabas na survey ng bagong survey firm na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na pang-anim lang sa ranking si Sen. Bong Go pagdating sa performance ng mga senador sa bansa dahil mistulang fake news ang inilabas nilang survey.


Sa totoo lang, sa dami ng natutulungan ng Malasakit Center Act ni Sen. Bong Go, kung saan ang batas na ito ay para sa free hospitalization ng mahihirap na kababayang may sakit, bukod pa sa siya rin ang nagsulong ng ‘Super Health Center’ at kaisa sa pagsusulong ng panukala na isama sa bibigyan ng cash gift na P100,000 ang mga senior citizens na umabot sa edad 80, aba’y dapat siya ang nasa number 1 at hindi pang-anim kung pag-uusapan ang performance ng mga senador, period!


◘◘◘


DAPAT MAY ROLLBACK DIN SA PRESYO NG BILIHIN ‘PAG MAY ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS—Nagkaroon ng P1 rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Sana naman, ‘pag nagkaroon ng rollback sa presyo ng langis ay bumaba rin ang presyo ng mga bilihin.


Alam naman ng lahat na kapag nagkaroon ng oil price hike, ang kasunod nito ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tapos ‘pag nag-rollback ang presyo ng langis, eh, wala namang ipinatutupad na rollback sa presyo ng mga bilihin.


Kaya kita n’yo, ilang beses nang nagkaroon ng bawas-presyo sa langis, pero ang presyo ng bilihin ay mataas pa rin. Boom!


◘◘◘


KUNG SINO PA ANG MGA NAGSISIKAP PARA SA SUPPLY NG PAGKAIN SA ‘PINAS, SILA PA ANG MAHIHIRAP NA SEKTOR SA BANSA—Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga mangingisda at magsasaka ang pinakamahirap na sektor sa Pilipinas.


‘Yan ang nakakalungkot na nangyayari sa ‘Pinas dahil kung ano’ng sektor pa ang nagbabanat ng buto para sa suplay ng pagkain sa bansa, sila pa ang mahihirap.


Sana, buhusan ng suporta at pondo ng pamahalaan ang mga mangingisda at magsasaka para kahit paano ay makaranas naman sila ng ginhawa sa buhay, period!


◘◘◘


HALOS ISANG BUWAN NA SA PUWESTO SI GEN. OBINQUE, PERO ‘NGANGA’ PA RIN SIYA SA STL-CON JUETENG SA ALBAY—Isang buwan na sa posisyon si Bicol police director, Brig. Gen. Westrimundo Obinque, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang aksyon laban sa Small Town Lottery (STL)-con jueteng ni alyas ‘Glen’ sa Albay.


Kaya ang tanong, kailan magkakaroon ng police director ang PNP-Region 5 na gagawa ng aksyon para ‘tokhangin’ ang ‘untouchable’ na STL-con jueteng lord ‘Glen’? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page