top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

'Pag isinuko ni PBBM sa ICC... Dela Rosa, magpapasaklolo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 14, 2026



Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB

Photo: Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB



Umapela si Senador Ronald "Bato" dela Rosa nang "mapayapa" na aksyon mula sa kanyang kapwa Philippine Military Academy (PMA) cavaliers sa gitna ng pagpapalabas ng International Criminal Court (ICC) arrest warrant laban sa kanya dahil sa umano'y kanyang kaugnayan sa war on drugs.


Ginawa ni Dela Rosa ang paglilinaw kasabay ng pag-awit ng PMA hymn sa harap ng mga miyembro ng media.


“Klaruhin ko lang na ang apela ko is not an appeal for a violent action. Ang apela ko sa kanila ay peaceful action,” ani Dela Rosa.


“Maipakita nila na kaming mga PMAers, sundalo, pulis, members ng uniformed agencies ay ayaw magpasakop sa dayuhan. Gusto namin manatili ang ating soberanya na di tayo didiktahan ng mga dayuhan,” saad pa niya.


“Ang pagmamahal sa bansa ay ‘di pamumulitika. Kaming lahat ay dumaan sa training, serbisyo para protektahan ang Pilipinas. Marami sa amin ang namatay sa pagdedepensa ng ating bayan. Walang pulitikahan diyan,” diin ni Dela Rosa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page