Pag-aari ng tatay... Grade 10, nahulihan ng baril sa iskul

by Jeff Tumbado @News | October 3, 2026

Photo: Grade 10 nahulihan ng baril sa school sa Northern Samar - PNP-PRO8
Isang Grade 10 student ang nahulihan ng .45 baril at mga bala sa loob ng paaralan sa Catarman, Northern Samar, kahapon, Oktubre 2.
Ayon sa pahayag ng Police Regional Office 8, nabisto ang dalang baril ng estudyante makaraang isumbong ng isa pang estudyante sa kanilang guro.
Agad namang ipinaalam ng guro sa mga awtoridad ang insidente at itinawag sa Catarman Municipal Police Station.
Ayon sa estudyante, pag-aari ng kanyang ama ang baril.
Tinulungan ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk ang estudyante at kalauna'y nai-turn over sa Municipal Social Welfare and Development Office.





Comments