top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pag-a-around the world ni P-BBM, bitbit pati mga asungot, gastos ilantad!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 1, 2023


SANDAMAKMAK NA ASUNGOT ANG KASAMA SA MAKAPAG-A-AROUND THE WORLD SA KADA FOREIGN TRIP NI P-BBM -- Dapat isapubliko ng Presidential Communication Office (PCO) ang talaan ng mga sumama sa foreign trip ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Malaysia, kasi may impormasyon na sandamakmak na naman daw ang sumama, tulad din ng pagsama ng napakaraming taga-PCO sa mga nakaraang biyahe ng Presidente sa United States (US), United Kingdom (UK), Switzerland, Belgium, China, Japan, Singapore, Thailand, Cambodia at Indonesia.


Kung totoo ang impormasyong ito, aba’y hindi lang pala ang Pangulo ang makakapag-around the world, kundi pati ang ilang asungot na taga-PCO, boom!


◘◘◘


PERA NG BAYAN GINAGASTA NG MGA ASUNGOT SA PCO NA SAMA NANG SAMA SA FOREIGN TRIP NG PRESIDENTE -- Sa mga nakaraang presidente ng Pilipinas, kadalasan ay dalawa hanggang tatlo lang na taga-communication office ang sumasama, pero sa panahon ng Marcos admin, laging nababalita na sandamakmak na taga-PCO ang sumasama sa biyahe ni P-BBM.


Ang kakapal ng mukha, buti sana kung sariling pera nila ang ginagasta sa kada pagsama nila sa biyahe ng Presidente, eh ang problem, pera ng bayan ang ginagamit nila sa pagsama sa mga foreign trips ni P-BBM, tsk!


◘◘◘


KUNG HINDI SANA ISINABATAS ANG RICE TARIFFICATION LAW, WALA SANANG PANGAMBANG MAGKA-RICE SHORTAGE SA ‘PINAS --Namomroblema ngayon ang Marcos administration kung saang bansa mag-aangkat ng bigas kasi limitado na lang ang pagbebenta ng bigas ng Indonesia, at ang dalawa pang bansa na dating pinag-aangkatan ng bigas, ang India at Vietnam ay pansamantalang itinigil na ang pagbebenta ng bigas.


Sa totoo lang, nakakapangamba ‘yan at posible talagang magka-rice shortage sa Pilipinas kasi kaunti na lang ang mga magsasakang nagtatanim ng palay, tapos panahon pa ngayon ng tag-bagyo, at ang kasunod naman ay El Niño o tagtuyot.


Kung sana ay hindi isinabatas ni ex-P-Duterte ang rice Tariffication Law na pumatay sa hanapbuhay ng mga magsasakang Pinoy, o kaya ay tinupad ni P-BBM ang promise niyang ipapawalang-bisa niya ang batas na ito (Rice Tariffication Law), at ang ginawa ng nakaraang Duterte admin at kasalukuyang Marcos admin ay nagbigay ng todong suporta sa ating mga magsasaka, wala sanang pangamba sa hinaharap, at magka-rice shortage sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


RICE TARIFICATION LAW NI EX-P-DUTERTE, SALOT SA PAMUMUHAY NG SAMBAYANANG PINOY -- Sa mga nakaraang presidente ng Pilipinas ay may makikitang mga murang panindang NFA rice na P27 hanggang P32 per kilo, pero mula nang isabatas ni ex-P-Duterte ang Rice Tariffication Law, nawala na sa merkado ang NFA rice, at hanggang sa panahon ngayon ng Marcos admin ay wala nang mabibiling NFA rice.


Ang nais nating ipunto rito, ‘yang Rice Tariffication Law, ay salot ang batas na ‘yan sa pamumuhay ng sambayanang Pinoy, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page