top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pag-a-abroad, pagyaman sa negosyo at pag-aasawa, darating sa bebot na 34-anyos

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 28, 2021






KATANUNGAN


  1. Maestro, naisipan kong sumangguni sa iyo upang malaman kung paano ako uunlad sa pamamagitan ng pagnenegosyo at ano’ng negosyo ang dapat kong pasukin?

  2. Kung mag-a-abroad naman ako, may Travel Line ba sa aking mga palad at susuwertehin ba ako sa pangingibang-bansa?

  3. Sa edad kong 34, kailan ako makakapag-asawa? Medyo kinakabahan na ako dahil wala pa rin akong boyfriend.


KASAGUTAN


  1. Matambok at lutang na lutang ang Bundok ng Paghahalaman (Drawing A. at B. arrow a.) at Bundok ng Tubig (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa produktong may kaugnayan sa pagtatanim at iba pang kalakal na nabubuhay sa lupa, malaking pag-unlad ang iyong mapapala. Ang pag-aanalisang sasagana ka sa pamamagitan ng halamanan ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Cancer sa birth date na 6. Tanda na sa mga berdeng gulay, prutas, pati na rin sa mga halamang ugat at mga halamang bulaklakin at ornamental plants, malaking kita at dagdag na salapi ang iyong matatanggap.

  2. Gayunman, dalawa ang Travel Line (Drawing A.at B. t-t arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na dalawang beses na itatala sa iyong karanasan ang paglalakbay. Ang unang Travel Line (t-t arrow c.) ay tinatayang maganap sa edad mong 35 pataas, samantalang ang ikalawang pag-a-abroad ay tinatayang matupad sa edad mong 37 pataas.

  3. Ibig sabihin, ang kapwa malinaw na Travel Line (t-t arrow c. at d.) na nabanggit ang nagsasabing sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa, malaking kita at dagdag na puhunan ang iyong maipupundar.

  4. Samantala, ang Guhit ng Negosyo o Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow e.) ay medyo napatanghali nang sumulpot sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na makapagnenegosyo ka sa medyo late years pa ng iyong buhay. Ang bilugang hugis ng inyong pagmumukha ang naghahaka naman na yayaman ka sa panahong ikaw ay may edad na, kumbaga, tunay na matanda at may mga apo na.

  5. Huli na rin nang sumulpot ang kaisa-isang Marriage Line o Guhit ng Pag-aasawa (Drawing A. at B. 1-M arrow f.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na magaganap ang iyong pag-aasawa sa late thirties mo o bago tumuntong sa edad na 40.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Kung aayusin sa chronological order ang iyong kapalaran o ayon sa pagkakasunod-sunod base sa iyong mga datos, ang unang mangyayari sa iyong tadhana, na nakatakdang maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 35 pataas, ay ang pangingibang-bansa. Pagkatapos nito, muli itong masusundan sa edad mong 37 pataas sa taong 2024.

  2. Pagkatapos ng nasabing dalawang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa, habang gumugulong patungong 40 ang iyong edad, magaganap naman ang iyong pag-aasawa, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn.

  3. Matapos ang nasabing pag-aasawa, Dindith, sa tulong din ng nasabing lalaki, makapagsisimula kayo ng negosyong may kaugnayan sa agriculture at paghahayupan, na siya namang unti-unti ninyong ikayayaman, na tinatayang maganap pagtuntong mo ng edad 55 pataas. Sa taong ‘yun o sa 2042, ‘yun ang sinasabing magkaka-apo ka na, na kasabay naman nito ay tuluy-tuloy ka na ring uunlad hanggang sa ganap at tuluyan nang yumaman nang husto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page