top of page
Search
  • BULGAR

Pag-a-abroad, nakatakda sa misis na Taong Singko

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 26, 2021



Dear Maestro,


Ako ay housewife at akala ko ay magiging okey na ang kalagayan namin dahil may trabaho naman ang mister ko. Kaso, bigla siyang nawalan ng trabaho simula nang magkaroon ng pandemic. Apat ang mga anak namin, kaya ngayon ay hirap na hirap na kami sa buhay.

Gusto kong malaman kung muli bang makakahanap ng trabaho ang mister ko o tama ba ang iniisip ko na maghanap na rin ako ng trabaho? Kailan ba talaga kami makapagtatrabaho para lumuwag ang buhay naming makaahon sa kahirapan at hindi na umaasa sa mga pamilya namin? Humihingi lang kami ng tulong sa aming mga pamilya para maka-survive, kaso nakakahiya na ring umaasa at humingi ng tulong sa kanila. February 14, 1981 ang birthday ko at December 10, 1971 naman ang birthday ng mister ko.


Umaasa,

Ms. Aquarius ng San Antonio, Sasmuan, Pampanga

Dear Ms. Aquarius,


Ayon sa birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) sa zodiac sign na Aquarius at sa destiny number na 8 (2+14+1981=1997/ 19+97=116/ 11+6=17/ 1+7=8), tama ang iniisip mong tulungan ang iyong mister sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho o sariling pagkakakitaan upang mas madali kayong makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang umasenso ang inyong pamilya.


Kung saan, dahil ikaw ay may birth date na 5, mas mainam kung mag-apply ka sa abroad at kung sisimulan mo na ang pag-a-apply sa taong ito o sa susunod na taong 2022, dahil ang nakatakda sa edad mong 41 pataas ay ang magkaroon ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa, na magiging daan o simula upang unti-unti na kayong makaahon sa kahirapan at mga pagkakautang, hanggang sa bandang huli ay tuluyan na ring umunlad at sumagana ang inyong pamilya sa aspetong materyal na bagay.


Dagdag pa rito, ang birth date na 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) ng mister mo ay nagsasabi ring papalarin din siya sa pangingibang-bansa, ganundin sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa apoy, mga nilulutong bagay o pagkain at iba pang mga produktong kauri nito.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa sandaling sinunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap dahil tulad ng nasabi na, sa 2022, sa edad mong 41 at 51 naman ang mister mo, maunlad na maunlad na ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman, na siyang magiging tunay na sadlakang kapalaran ng mga Taong Singko tulad mo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page