PAF training aircraft bumagsak, 2 piloto patay
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | May 21, 2026

Photo: Ang bumagsak na military training aircraft sa Tuba, Benguet nitong kahapon ng umaga, Mayo 20. (Mai Ancheta)
Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na binawian na ng buhay ang dalawang piloto na sakay ng SF-260 trainer aircraft na nag-crash sa Tuba, Benguet, alas-10:30 ng umaga kahapon.
"We are deeply saddened to inform that both pilots passed," saad ni PAF Spokesperson Colonel Ma. Christina Basco.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PAF upang alamin ang naging sanhi ng insidente.
Una nang iniulat na may dalawang sakay ang bumagsak na aircraft sa Sitio Cabuyao, Brgy. Poblacion.
Nagsasagawa umano ng navigation training flight ang dalawang piloto nang maganap ang insidnete.
Galing sa Fernando Airbase sa Lipa City ang aircraft at patungo sa Baguio City subalit hindi na nakarating sa destinasyon.





Comments