ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 1, 2024
Sa kumpirmasyong nakarating sa amin hinggil sa pagtakbo ni Star for All Seasons Vilma Santos bilang Batangas governor, kumpirmado ring hindi na siya lalabanan ni VG Marc Leviste.
“Yes, ang tsika sa ‘min, sa Congress na muna s’ya,” sey ng mga taga-Batangas na fan nitong BULGAR.
At dahil six districts na nga ang Batangas, sure raw na magiging congressman uli si VG Marc na meron din namang equally controversial political and showbiz life.
So, solid na Ate Vi family, with Luis as vice-governor at Ryan Christian as 6th District congressman, ang tatlo ang muling magpapasigla ng pulitika sa Batangas.
“At saka hello, ang hirap kalaban nina Ate Vi, ‘noh? Para ka talagang bumangga sa pader. Sa linis ng track record, sa husay magpatakbo ng mga proyekto at sa dami ng mga tunay na nagtitiwala sa serbisyo nila, bakit pa kami maghahanap ng iba? And knowing fully well Ate Vi’s sons, Luis and Ryan, saan pa ba magmamana ang mga ‘yan ng dedikasyon at galing?” hirit pa ng mga kausap namin.
NAKARATING sa amin ang tsikang enjoy na enjoy si Willie Revillame sa ginanap na grand gathering ng mga teachers noong Gabay Guro Day sa Meralco Theater.
Talaga raw namudmod ito ng sangkatutak na premyo at may mga may-edad na teachers na talagang pinasaya niya.
“Cry pa ang Willie, para raw s’yang bumalik sa pagkabata nu’ng makita ang mga teachers,” kuwento sa amin ng mga taga-Gabay Guro Foundation.
Pinagkaguluhan naman si Atasha Muhlach na nagsilbi ring isa sa mga hosts ng show kasama nina Randy Santiago at Pops Fernandez.
Maging si Allan K na nakipagbardagulan umano sa ilang mga kapwa niya Ilonggo ay kinaaliwan ng mga tao.
Later that Sunday evening, habang nasa media conference tayo ng Bingo Plus (BP), may mga colleagues tayong nakasalubong si Papi Willie sa lobby ng Grand Hyatt Hotel sa BGC.
And as usual, galante rin itong namigay ng blessing dahil may nakarating sa amin. Hahaha!
Salamat, Papi Willie Revillame.
Sa yaman ng BF ni Rhian…
SAM, ‘DI TAKOT BANGGAIN SINA ISKO AT MAYOR HONEY
NAKAKAMANGHA namang tunay ang sampung topnotch car collection ni Sam Verzosa (SV) na in-auction para maipatayo ang dialysis at specialty hospitals na pangarap niya para sa Maynila.
Grabe, kahit sinong bilyonaryo ay magugulat, dahil lahat na yata ng mamahaling brand ng kotse ay nasa garahe ni Sam at sampu nga rito ang kanyang ipina-auction.
Marami man ang nagtatanong sa kung paano ito na-acquire ng bilyonaryong jowa ngayon ni Rhian Ramos, maliwanag na handa itong maging mas aktibong public servant sa Manila.
Laking hirap din si SV at nagsikap lang na mapaunlad ang mga negosyo nila kasama na ang Frontrow na may mga ibang companies and services na kumikita.
Congressman ngayon si SV sa isang distrito (Sampaloc area) ng Manila pero mas nais niyang maging mayor para raw mas marami at centralized ang kanyang mga programa sa Maynila.
Malalaking pangalan ng pulitiko sa Manila ang makakabangga ni Sam Verzosa tulad nina Isko Moreno at Honey Lacuna, pero never naman daw siyang na-intimidate o natakot dahil baun-baon niya at taglay sa puso ang pagsisilbi.
‘Yun na!
Comments