Pacio, ipakikitang 'di nagsisi sa paglipat ng ibang team
- BULGAR

- Jul 2, 2023
- 2 min read
ni MC @Sports | July 2, 2023

Alam ni dating ONE strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio na lahat ng mata ay tiyak na nakatingin at nag-oobserba na sa kanya dahil na rin sa kanyang naging desisyon na makasama ang dating teammates sa Lions Nation MMA.
Sa nakaraang weekend, inanunsiyo ni two-time ONE lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang ang pagbuo ng Lions Nation MMA. Dinala niya sina Pacio at dating ONE champions Kevin Belingon at Honorio Banario at iba pang Team Lakay studs na sina Jeremy Pacatiw at Edward Kelly sa kanilang balwarte.
Ang pasya ng 27-anyos na paglipat sa Team Lakay ay tiyak na aabangan – lalo na at nanggaling siya sa pamosong gym mula pa nang magsimula siya ng kanyang karera.
“For me, there’s no pressure. From now on, I think it’s really the start of enjoying what we do – particularly in sharing [our knowledge], our openness, and being open-minded with one another,” sabi ni Pacio. “What I’m trying to say is that all of our minds will be working together to create even bigger accomplishments and glean even more knowledge from one another. I’m just excited to train with these guys.”
Sa halip na matensiyon, excited si Pacio na ihatid ang bagong teknik niya sa kanyang laro na mula pa sa kanyang coaches na sina Gibran Langbayan at Don-Don Colas.
Si Langbayan ay isa sa ilang lehitimong Brazilian Jiu-Jitsu black belts sa Pilipinas na masipag mula sa gabay ni Prof. Leonardo Fernandes na ipinakilala siya sa black belt noong nakaraang taon.
Si Colas naman ay isang retiradong boksingero na nakagawa ng sarili niyang pangalan bilang striking coach ng bansa pareho sa MMA at boxing. Habang excited siya kung ano ang estilo ng coaches, mas excited din siya na maibahagi ang mga ideya na magtutugma sa kanila ng coaches para sa mas balanseng kolaborasyon at pilosopiya ng bagong team.








Comments