top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pabrika ng paputok, nasunog, 10 nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 3, 2022



Sampung indibidwal ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng mga paputok sa Santa Maria, Bulacan ngayong Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Apat sa mga biktima ang malubhang nasugatan na agad na dinala sa ospital.


Batay sa report ng GMA News, nagsimula ang sunog bandang ala-1:00 ng hapon sa Barangay Pulong Buhangin sa Bulacan habang umabot ito sa unang alarma.


Ayon sa BFP, ilang mga kabahayan sa lugar ang naapektuhan ng sunog sa kabila na malayo ang mga ito sa insidente. Makikita naman ang mga natupok at debris ng mga paputok matapos ang sunog.


Natakot din ang mga estudyante mula sa paaralan na malapit sa lugar dahil sa mga pagsabog.


“Kapag gano’n karami ‘yung nakaimbak, kahit anong layo niyan aabutin talaga.


Katunayan, dito sa kabilang compound, nandito na ‘yung may mga bahay, nakikita ko rito may mga pakete pa rin dito ng mga paputok eh,” pahayag ni Santa Maria Bulacan Police chief Police Lieutenant Colonel Christian Alucod.


Kasalukuyan namang nagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang madetermina kung mayroong iba pang apektadong mga indibidwal. Inaalam na rin nila kung ang business permit ng naturang pabrika ay nananatiling valid.


“Kanina, ‘yung taga-Public Information Office ng Santa Maria, Bulacan ay binanggit niya na noon may permit. So ngayon, ibe-verify pa nila, ang alam nila noon may permit ito,” dagdag pa ni Alucod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page