ni Anthony E. Servinio @Sports | January 12, 2024
Mag-isang binuhat ni Jayson Tatum ang Boston Celtics sa 127-120 overtime tagumpay sa bisitang Minnesota Timberwolves sa salpukan ng dalawang nangungunang koponan ng NBA kahapon sa TD Garden. Humugot din ng higanteng numero mula kay Pinoy pride Jordan Clarkson at wagi ang Utah Jazz sa World Champion Denver Nuggets, 124-111.Â
Â
Pumukol ng 3-points si Nickeil Alexander-Walker upang ibalik ang lamang sa Timberwolves, 120-118, at 2:44 sa overtime. Hindi na sila pumuntos mula roon at binuhos ni Tatum ang huling siyam na puntos upang paakyatin ang kartada sa 29-8 at palakihin ang agwat sa Minnesota na bumaba sa 26-11.Â
Â
Â
Nagtapos si Tatum na may 45 puntos, 12 sa overtime. Tumulong si Jaylen Brown na may 35 at 11 rebound at nakabawi ang Boston sa 109-114 talo noong dumalaw sila sa Minnesota na pasilip sa maaaring maglaro sa 2024 NBA Finals.Â
Â
Dominado ng Jazz ang buong laro at umabot pa sa 116-91 ang bentahe sa huling quarter. Namuno si Clarkson na may 27 puntos at naging ika-331 manlalaro na umabot ng eksaktong 11,000 puntos.Â
Â
Tinambakan ng bisitang New Orleans Pelicans ang Golden State Warriors, 141-105. Nagbida si Jonas Valanciunas sa 15 ng kanyang 21 puntos sa 3rd quarter at itayo ang 104-83 lamang.Â
Â
Samantala, itinala ni numero unong rookie Victor Wembanyama ang kanyang unang triple double at wagi ang San Antonio Spurs sa kulelat na Detroit Pistons, 130-108. Kinailangan lang ng 21 minuto ang 20 anyos na tubong Pransiya na lumikom ng 16 puntos, 12 rebound at 10 assist na walang turnover.
Â
 Maglalaro ang NBA ngayong araw sa bansa ni Wembanyama sa tapatan ng Brooklyn Nets at Cleveland Cavaliers sa NBA Paris Game 2024 sa Accor Arena. Opisyal ang laban katulad na ginanap na laro ng Orlando Magic at Atlanta Hawks sa Mexico City noong Nobyembre.Â
Comments