top of page

Paboritong Pista Opisyal, may kahulugan sa iyong ugali

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 23, 2020




Mas gusto mo ba ang Halloween season dahil cute para sa iyo ang tricks and treats o ang Valentine’s Day dahil kinikilig ka kapag puso na ang pinag-uusapan. Pero alam n’yo bang nabubuking din daw ang ugali ng isang tao kapag nalaman ang uri ng pista opisyal o holidays na paborito niya.


Simboliko umano ayon sa mga eksperto ang holidays, matapos na makapanayam ang 125 mga pamilya. Kabilang na ang sinasabing ritwal o kinauugalian nila ay may isinasaad ito ayon sa personalidad ng indibidwal, ayon ito kay Barbara Fiese, Ph.D., isang may-akda ng Family Routines and Rituals.


Alamin mo sa sarili kung ano ng iyong favorite holiday at ito ang sinasabi niyan tungkol sa’yo:


KUNG PABORITO ANG THANKSGIVING: Isa kang malikhaing tagakuwento. “Ang thanksgiving ay parang isang pagkukuwento at pagbabahagi ng mga anekdota o motto,” ani Fiese, na kumumpirma na habang gustung-gusto mo ang naturang holiday, ito’y dahil ikaw ang tagakuwento sa buong pamilya, para sa kanila’y laging may excitement at tamis ang iyong mga kuwento. Ang totoo, hindi ang iyong istorya ang siyang binibigyan ng atensiyon ng marami kundi ang paraan na rin ng iyong pagkukuwento.


ANG PASKO. Ikaw ay masentimental. Sensitibo at hindi mo maihihiwalay ang materyalismo mula sa okasyon. Ibig sabihin lang nito, ang iyong hilig at paborito noong kabataan mo ang iyong hindi makalilimutan, dahil nagpapakita ito ng iyong halaga at hindi matatawarang bagay sa iyong buhay.


ANG BAGONG TAON. Isa kang romantikong positibo sa relasyon. Ang bagong taon na rin ay simbolo ng bagong panimula sa gulong ng buhay, at ang iyong pagiging positibo ay hindi lang sa isang gabi ng pagpasok ng Bagong Taon nangyayari kundi bagkus ay sa buong isang taon. Romantiko sa loob ng 365 na araw. Ipinaliwanag ni Fiese na para sa iyo ang araw ay sinisimulan ng bagong mga simulain sa buhay.


ANG ARAW NG MGA PUSO O VALENTINE’S DAY. Matapang ka sa iyong puso. Ang pagpapalitan ng iyong pagmamahal at tigib na pag-ibig sa iba ay hindi lang dahil para maipagdiwang ang Araw na ito ng Pagmamahal kundi ang maging praktikal sa aspeto ng pagkalinga sa iba. Maging ito man ay paghahanap ng bagong mga trabaho o ang pagkuha ng bagong hobby o interes. Dahil sa mainit at determinado ka, ang iyong lakas ay isang tiyak ng tunay mong pagmamahal sa iyong ginagawa at magiging mga inspirasyon pang gawain sa kinabukasan at sa hinaharap.


ANG EASTER O SEMANA SANTA. Kung ito ang pista opisyal na hilig mo, ang iyong lakas ang siyang nananaig. Ang mga maiinit na panahon ng semana santa ay senyales na rin ng muli mong pagbabalik sa masayang panahon ng iyong paglabas at paghayo. Anuman ang iyong pinaniniwalaan, isang bagay lang ang tiyak, sumasabay ka sa likas na simbolo ng kalayaan. Aktibo at independent ka, naaasahan ka ng lubusan ng iba. Maging ang paghahanap man ng Easter eggs at pamamasya sa malalayong lugar.


ANG ARAW NG PATAY O HALLOWEEN. Isa kang heneroso o mapagbigay na team player. Tuwing Araw ng Undas, madalas na ang magkakapitbahay ay nagbubukas ng pintuan para sa iisang layunin, at iyan ang siya mong kinauugalian. Heneroso, mapagbigay ka at madaling makisama. Madali mong ma-welcome ang mga bisita sa bahay mo habang welcome pa rin sa iyo ang bagong mga ideya sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page