top of page

Paborito ng crowd, may P2 M na… CARDONG TRUMPO, PGT GRAND WINNER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 25, 2025



Photo: Cardong Trumpo - PGT



Although hindi naging perfect ang grand finals performance ni Cardong Trumpo sa Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7, walang dudang siya ang most loved ng audience.


Sa almost perfect votes na nakuha nito para tanghalin bilang biggest winner at manalo ng P2 million, pinaboran nga ultimo ng mga judges ang ‘kakaiba at mapusong performance’ ni Cardong Trumpo o Ricardo Cadavero sa totoong buhay at isang construction worker.


Tila naibalik nga ng ABS-CBN ang dating ningning at tikas ng PGT.


Mas kapansin-pansin ding mas naging relatable si Freddie Garcia a.k.a. FMG sa mga tao at tila mas komportable itong nakikipag-eklayan o baklaan kasama nina Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan at Eugene Domingo.


Second placer ang grupong Femme MNL, isang dance group na puro LGBTQIA+ ang members.


At ang personal favorite naming si Carl Quion, na isang magician at nagawang bigyan ng pambihirang tribute ang Comedy King na si Tito Dolphy, ang 3rd placer.

Congrats po at mabuhay!



AT dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, kapansin-pansin din ang laging pag-trending ng mga nalalabing housemates dito.


Talagang puksaan ng mga komento ang mga supporters nila if only to prove na bumalik din ang lakas ng awareness at patronage ng mga tao.


In fact, sey nga ng karamihan, totoong naging celebrities o naging legit ang celebrity status ng mga housemates.


Kumpara raw kasi sa mga nagdaang edition, parang ngayon lang uli napag-usapan at mas naging invested ang mga parehong supporters at mga bashers ng show.


Pasok na sa Big 4 ang tandem ng CharEs o nina Charlie at Esnyr. Ang naturang tandem ang sinasabing dumedepende sa support ng mga tao dahil unlike the more controversial DusBi (Dustin at Bianca) at AzVer (AZ at River) na sinasabing mayayaman at bumibili ng votes, hindi raw sila mayaman to buy votes.


Samantala, lalaban at lumalaban pa rin ang mga housemates na sina Ralph at Will (RaWi), at Brent at Mika (BreKa), na bigla ring lumakas sa mga tao.


“Kitang-kita si Kuya sa show. Sa dami ng mga sponsors ng show, lakas sa text votes at solid advertisers nila, hindi matatawag na flop at walang income ang show,” puna ng netizen.

True…



KAMI man ang lumagay sa sitwasyon ni Dennis Trillo, baka mas matindi pa ang sagot namin sa mga nagkomento sa anak nila ni Jennylyn Mercado. 


Hindi lang ang pagiging autistic ng anak ang sinopla ni Dennis sa isang nagkomento sa video nila, na kunwari’y naka-observe ng kalagayan ng anak na sinasabi.


“May problema po ba kayo sa autism?” ang sagot nga ng magaling na aktor sa tila nagmamaang- maangan na netizen.


“Wow, hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo,” ganting sagot uli nito sa isa pang post na nagsabing ‘malamya’ ang isa pa nilang anak na lalaki.


Well, nasa Italy ngayon ang mag-asawa kaugnay ng isang event doon at para na rin sa promotion ng new show nilang Sanggang Dikit FR (SDFR) na umeere na sa GMA-7.

Bihira nating marinig o makitang lumalaban sa online bullying o harsh comments si Dennis pero kapag tungkol na sa mga anak o pamilya ang usapan, parang walang ‘green bones’ na lalabas sa katawan nito. Hahaha!


Uy, number 1 ngayon sa Netflix ang award winning movie na Green Bones (GB) ni Dennis, ha? 


Bongga rin ang mga reviews nito sa online at nasabing platform, unlike ru’n sa isang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na kesyo may mga international honors kuning-kuning, pero… ewan! 


Hahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page