top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pabonggahan ng gown tuwing SONA habang sandamakmak na Pinoy ang nagugutom

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 23, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SA SONA, PASIKLABAN SA MGA SUOT NA MAMAHALING GOWN ANG MGA BABAENG POLITICIAN AT MISIS NG MGA LALAKING POLITICIAN -- Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na idinaos kahapon ay nagpasiklaban na naman sa mga suot nilang mga mamahaling gown ang mga babaeng politician at misis ng mga lalaking politician.


Ganyan sila kada SONA ng Presidente, hindi sila marunong mahiya sa mamamayan, na habang maraming Pilipinong nagugutom, na ayon sa survey ng SWS ay 58% pamilyang Pinoy ang nagsabi na sila ay naghihirap, ay nagagawa pa nilang magsuot ng mga mamahaling gown, tsk!


XXX


SARAP NG BUHAY NG MGA MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO -- Karamihan sa mga dumalo sa SONA ni PBBM ay magkakapamilyang pulitiko, may mga senador at kongresista na kasama nila ang mga kapwa politician na misis, mister, anak, kapatid, ama, ina. ‘Ika nga, halos mapuno ang Kongreso ng mga magkakapamilyang pulitiko.

Sarap ng buhay nila, kasi buong pamilya nila suwelduhan ng mamamayan, may allowances at pork barrel pa, tapos sila-silang magkakapamilyang pulitiko lang ang lalasap sa P20 million worth ng foods and drinks sa loob ng Kongreso, boom!


XXX


PUBLIC INTEREST ANG NAKATAYA SA MIF AT PUV MODERNIZATION KAYA HINDI DAPAT ‘DINEDEDMA’ LANG NG SC -- Hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang Supreme Court (SC) sa pagkuwestiyon ng mga petitioner sa legalidad ng P500 billion Maharlika Investment Fund (MIF) at Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Mantakin n’yo, pera ng bayan ang isusugal sa MIF at hanapbuhay ng mga jeepney driver at operators ang apektado sa PUVMP, pati mga komyuter apektado rin dito. At sa kabila na public interests ang nakataya sa dalawang isyung ito, tila dinededma-dedma lang ng

SC ang mga usapin dito, tsk!


XXX


MAGAWA KAYA NG BAGONG HEPE NG SANTIAGO CITY NA IPA-‘TOKHANG’ ANG MGA MANGRARAKET NA SINA ‘GUILAO’ AT ‘TORRES’? -- May bago ng hepe ang Santiago City Police sa Isabela, sa katauhan ni P/Col. Lucio Simangan, Jr.

Tingnan nga natin kung kayang ipa-tokhang ni Col. Simangan ang mga untouchable na gambling lords na sina alyas “Guilao” at “Torres” na kapwa may mga raket na color games at drop balls sa lungsod na ito, abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page