top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pabahay ng gobyerno para sa mga pulis at sundalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | March 23, 2023


Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na suportahan at isagawa ang kanyang planong pabahay para sa mga pulis at sundalo.


Pahayag ito ng Pangulo sa naging pulong niya sa Malacañang kina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar at Cavite Gov. Jonvic Remulla na dapat na bigyan ng pabahay ang mga tauhan ng AFP at PNP.


Batay sa Chief Executive, sinimulan na nilang isaayos ang sistema ng programa para sa pabahay ng mga uniformed personnel, mga pulis at military. Kailangan pang makadebelop ng mas mahusay na konsepto, subalit desidido siyang magbigay ng pabahay para sa mga ito habang nangakong hindi sila titigil hangga’t hindi nila nagagawa ito.


Sinabi ni Pangulong Marcos na may sapat namang lupa para sa proyektong pabahay ng uniformed personnel, ang kailangan lang ng gobyerno ay gumawa ng isang pamamaraan para maisama ang iba pa. Kabilang dito ang pagtatakda ng isang scheme, kung saan makakasama rito ang financing system sa parehong pribado at pampublikong bangko.


Ilang housing projects na rin ang inilunsad ng Pangulo sa iba’t ibang lugar sa bansa na bahagi ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino: Zero ISF (Informal Settler Family) 2028 Program ng gobyerno.


Malaking tulong ang ibibigay na pabahay ng gobyerno sa ating mga sundalo at pulis.


Makikinabang nang husto, hindi lang sila kundi pati na rin ang kanilang mga pamilya.


Magiging maayos ang kanilang pamumuhay at makakapagpokus pa sila sa kanilang tungkulin habang nagseserbisyo sa taumbayan.


Maiiwasan din ng ating mga uniformed personnel, kapulisan at military na mag-isip ng anumang masamang gawain dahil nabibigyan sila ng pagpapahalaga sa ginagawang paglilingkod sa bayan.


Patuloy lang sana ang kinauukulan sa pag-iisip ng mga programa at pagsasagawa ng mga proyekto na makatutulong para sa mga mamamayan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page