top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Paawa ni Willie Revillame sa netizens, wa’ epek, na-bash pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 7, 2023


SABLAY ANG PAAWA NI REVILLAME KASI IMBES MAAWA, BINASH PA SIYA NG NETIZENS—Sablay ang paawa ni comedian-TV host Willie Revillame kaugnay sa nabalitang itsutsugi na ang programa niyang “Wowowin,” pati ang mga programang “Toni” ni Toni Gonzaga at “MOM” nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto sa ALLTV network.


Imbes kasi na maawa, binash pa siya ng netizens sa social media kasi noong tanggalan ng Kongreso ng prangkisa ang ABS-CBN, hindi siya nagpakita ng awa at simpatiya sa libo-libong ordinary workers na nawalan ng work, at sa halip, sa kanyang programang “Tutok to Win” sa GMA network noon, natawa at napapalakpak pa si Willie nang sabihin ng kanyang guest na si former Presidential spokesperson Harry Roque na ang programa na lang daw niya ang napapanood sa buong bansa dahil tinanggalan na ng franchise ng mga pro-Duterte congressmen ang Kapamilya network. Boom!


◘◘◘


SURVEY NG SWS, PANG-UUNGGOY LANG DAHIL PATAAS NANG PATAAS ANG INFLATION RATE, TAPOS GAGANDA NA RAW ANG BUHAY NG 49% PINOY—Maituturing na pang-uunggoy sa publiko ang inanunsyo ng Social Weather Stations (SWS) na base raw sa isinagawa nilang survey, 49% ng Pinoy ang naniniwalang gaganda ang kanilang pamumuhay bago matapos ang taong 2023.


Pang-uunggoy dahil saan ka ba naman nakakita na buwan-buwan tumataas ang inflation rate — Setyembre 2022 (6.9%), Oktubre 2022 (7.7%), Nobyembre 2022 (8.0%), Disyembre 2022 (8.1%) at Enero 2023 (8.3%) — ibig sabihin, wala nang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos sa survey ng SWS, sinabi raw ng 49% Pinoy na gaganda na ang kanilang pamumuhay bago matapos ang taong 2023. Tsk!


◘◘◘


SMUGGLED SIBUYAS, IMBES IPAMIGAY SA MAHIHIRAP NA KOMUNIDAD, IBINAON NG DA AT CUSTOMS SA LUPA— Imbes na ipamigay sa mahihirap na komunidad para pakinabangan, ibinaon na lang sa lupa ng mga taga-DA (Department of Agriculture) at Customs ang tone-toneladang kumpiskado nilang sibuyas.


Ang katwiran ng mga taga-DA at Customs, hindi raw kasi nasuri ang mga sibuyas kung ligtas kainin, kaya ibinaon na lang nila sa lupa.


Eh, ang tanong natin sa DA at Customs, ang mga tone-toneladang smuggled na sibuyas na nadala at naibenta sa merkado ay ligtas bang kainin?


Tiyak kasi na hindi rin nasuri ang mga puslit na sibuyas kung ligtas kainin dahil inismagel ang mga ito, pero hinahayaan ng mga taga-DA at Customs na maibenta ang mga ito sa merkado. Buset!


◘◘◘


MAHINA PALA ANG INTEL NETWORK NI HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ—Nagpasiklab si House Speaker Martin Romualdez na may tinanggap daw silang impormasyon na may mga nagho-hoard ng sibuyas kaya nagmahal ang presyo nito.


Mahina pala ang intelligence network ni Speaker Romualdez dahil ‘panis’ na ang nakuha niyang impormasyon dahil last year pa kinapos ang supply ng sibuyas sa bansa dahil sa pagho-hoard ng mga agri-smugglers, kaya nagmahal ang presyo nito. Tapos, ngayon lang niya ibinibida na may tinanggap silang impormasyon tungkol sa hoarding ng mga sibuyas. Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page