Paano tuturuan ang mga bata na gamitin ng tama ang Christmas budget
- BULGAR

- Dec 3, 2020
- 1 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 3, 2020

Sasapit na ang Pasko at kaunti lang ang budget mo para sa mga bata. Paano mo ngayon ipaliliwanag sa mga bata na kailangan nila ngayon na magtipid upang makaraos ang iyong Pasko. Darating din naman ang kanilang mga ninong at ninang ay magbibigay sa kanila ng mga regalo, pera man o kagamitan. Kaya naman kung magiging matalino ka sa pagpapaliwanag at pagpapaalam sa kanila ng sitwasyon ay matuturuan mo sila ng tama na magamit nila ang saktong budget na pamasko para sa kanila.
Harapin ang mga bata at ipaliwanag sa kanila na ang pera ay mahirap ngayon. Ipaalam sa kanila na dahil hindi lahat sila ay mapagbibigyan sa kanilang gusto kailangang mapili nila ng eksakto kung ano talaga ang kanilang wish ngayong Pasko.
Sabihin sa kanila ng eksakto kung magkano ang perang ibibigay sa kanila na iyong napagpasyahan at sabihin kung paano nila ito rasonableng gagastusin. Tiyakin ang Christmas budget ay hindi magpapasira ng iyong budget para sa iba pang bayaring bills.
Matapos nilang malaman kung magkanong pera na kailangan nilang badyetin, bigyan na sila ng tamang catalogs na kanilang bibilhin o online shopping. Hayaan mo silang magkumpara ng mga presyo at higit na piliin ang mas matipid na items o mas kakaunting mamahaling items.
Matapos na mabigyan na sila ng Christmas lists na sakto lamang sa budget, at least handa ka na para sa Maligayang Pasko. At least matututo na rin ang mga bata ng tamang impormasyon kung paano ang tamang pamimili at manatili sa mas matipid na paraan.








Comments