top of page

Paano susuyuin ang dyowa o asawa kung may away o 'di pagkakaunawaan?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 6, 2021




Galit ba sa’yo si mahal? Nasaktan mo ba siya? Beshies, karaniwan nang nangyayari ito. Ang mahalaga ay kung paano panghahawakan ang sitwasyon. Heto ang 5 sweet ways para mag-sorry kay mahal.


1. PASALUBUNGAN SIYA NG KANYANG PABORITONG BEER. Minsan mo na ba siyang naringgan na ang “Beer ang solusyon sa lahat?” Kaya nga malamang ‘yan ang aktuwal na kalutasan. Pasalubungan siya ng isang ice-cold slab ng paboritong beer at magandang baso. Masosorpresa siya at mas magiging masaya kaya habang hawak niya ang isang beer sa kabilang kamay ay nakaakbay naman ang isa niyang kamay sa’yo.


2. MAGHANDA NG ROMANTIC FOOD. Sorpresahin si labs ng isang romantikong pagkain pagkauwi niya galing sa trabaho. Ilabas at gamitin ang pinakamagandang silverware, magluto ng pagkaing masarap, may kasamang dessert at red wine. Ipaalam sa kanya na nagso-sorry ka habang nae-enjoy niya ang pagkain.


3. PANOORIN ANG PABORITO NIYANG SPORT NA KASAMA SIYA. Nakababagot naman talaga sa isang babae na maupo at manood sa football o basketball match, pero tiisin mo ‘Day, mas epektibo kung sasamahan siyang manood. Mag-sorry ka sa kanya at samahan siya na panoorin ang kanyang paboritong team na naglalaro. Pinakamainam na magdala ka na rin ng popcorn at masarap na meryendang paborito niya, matapos ang 5 minuto, napatawad ka na niya, swak!


4. BAYARAN MO ANG KANYANG ONLINE MOVIES. Bakit hindi mo sabihin kay mahal na, “Honey, I’m sorry. How about I making it up na ako na magbabayad ng netflix movie this month? And let’s watch together whatever movies you want!” Medyo korni, pero alam mo namang siyento porsiyentong tagumpay ito hindi ba?


5. SORPRESAHIN SIYA SA TRABAHO. Kung magagawa mo, puntahan mo siya sa trabaho niya at yayain siya sa lunch date. Tingnan siya sa kanyang mga mata at sabihing, “Hindi ko maubos maisip kung bakit ba naging salbahe ako sa iyo. Nagpunta ako rito para mag-sorry. Please, forgive me.” Aba’y malulusaw ang puso ni mahal. Kita mo, hindi naman mahirap sa isang banda na humingi ng tawad. Try mo lang ang limang sweet na paraan para muli kayong maging super sweet uli sa bawat isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page