top of page

Paano sisimulan ang Bagong Taon na masaya ang mag-improve pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 3 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 2, 2021




Ang abilidad na magkaroon ng magandang koneksiyon sa iba, isang bagay na ayon sa mga siyentipiko ang tinatawag na “emotional intelligence quotient,” o EQ na higit umanong tagumpay kaysa sa IQ!


At salamat sa ilang nakasosorpresang bagong pag-aaral, mas madali na pairalin ang kalidad na ito na may kaugnayan sa pagpapalakas ng relasyon at sa mas malaking income. Subukan..


1. ANG PANONOOD NG MOVIE. Ang abilidad ng tao sa pagbabasa at may mataas umanong EQ ay gawa ng kanyang pagkahilig sa panonood ng pelikula, ani Travis Bradberry, Ph.D. may-akda ng Emotional Intelligence. Ang pinakamainam na magagawa? Manood ng paboritong pelikula at tanungin ang sarili, bakit niya nagagawa iyon? Ito ba ay umuubra para lumakas ang iyong damdamin?

Puwede mong mabasa sa libro ang lahat hinggil sa EQ pero hindi makukuha sa panonood lang sa sitwasyon kung saan hindi ka personal na involve. Gaano kaepektibo ito? Pero sa isang pag-aaral ng higit sa kalahating milyong katao, natuklasan na ang mas maraming pelikula na kanilang napapanood, mas mataas ang kanilang EQ scores. Kaya katumbas din umano ng pagbabasa ang panonood ng pelikula kung pagbabasehan ang paglakas ng emotional intelligence ng tao.


2. PAGKA-KARAOKE. Sa pag-aaral ay iminungkahi na ang mga taong nahahasa sa pagkanta ay higit na mas nararamdaman ang damdamin ng kanilang kapwa. “Ang musika na rin ang siyang nagpapasigla sa emosyonal na parte ng iyong nervous system, higit na umaaktibo ang iyong malalim na damdamin para sa ibang tao,” ani Barry Bittman, M.D., ng The Mind-Body Wellness Center sa Meadville, Pennsylvania. At ang makikanta ka sa iba ang makasama sila ay nakapagpapasigla ng iyong galing, matutulungan ka na matutong makisama sa kanila.


3. ALAMIN ANG MOOD! Ang mga taong may pinakamataas na EQ ay madalas na madaling mapansin ang kanilang moods na umiiral sa kanila dahil ang mood na rin ang dumidikta ng kanilang ugali. Kapag bad mood tayo, nakatuon tayo kahit sa maliit na bagay lang na patuloy na nagpapasira sa ating moods. Kapag okey ay sumosobra ang ating kumpiyansa. Sa pagtatanong sa sarili, “Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?” bago mag-react sa isang bagay, maiiwasan mo ang impulsibong pagkakamali at dito lalong umiibayo ang iyong EQ.


4. PAGSINGHOT NG HERBAL! Nang inihantad ng isang siyentipiko ang ilang tao sa ibat’ ibang amoy habang sila ay kumukuha ng test na sumusukat sa damdamin, ang mahalagang parte ng EQ, ang herbal ang nagpapa-larawan ng kanilang abilidad na makadama sa damdamin iba ay umiibayo ng 22 porsiyento.


5. PAGBATI SA PANGALAN NG TAO. Ang ating pangalan ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kaya ang pagtawag sa pangalan ng isang tao ay isang makapangyarihang emosyonal na koneksiyon. Kapag nakakausap natin ang mga taong ating sinusuri at nasasabi lahat ng kanilang pangalan ay mataas ang iyong EQ. Pero paano kung nakakalimot ka sa pangalan? Sabihin agad na “hello,” at kapag ipinakilala ka, ulitin ang kanyang pangalan at tingnan mo ang malaki niyang nunal sa pisngi. Sa bagay na iyan mas matatandaan mo ang kanyang pangalan.


6. KONTRAHIN ANG KABA AT NERBIYOS. Kung pupunta ka sa isang lugar o job interview na iyong ikinakakaba? Diyan mo mailalarawan kung gaano kalakas ang iyong EQ at ang abilidad na i-access ang iyong emosyonal na kakayahan anumang oras, saan mang lugar, anuman ang iyong mood. Basta’t mag-isip ka lamang ng isang nakaraan kung saan ka relaks at kampante, tapos ay hiramin ang magandang pakiramdam na iyan at gamitin sa bagong sitwasyon at sabihin sa sarili. Mas makakampante ako rito!” Marami sa atin ang hindi ito nagagawa ito, kaya tayo ay natetensiyon. “Mas tagumpay ka kapag naisip mo ang masasaya at kampanteng tsansa lalo na kapag nasa estado ka ng iyong nerbiyos.”


7. ANG PAGSASABI NG MAGAGANDA AYON SA INIISIP. Kailan mo huling napasalamatan ang mga bata na tumulong sa gawaing bahay mo, ang napuri ang katrabaho sa kanyang kontribusyon, “Wow, ang gandang ideya!” Marami kasi sa atin ang nakakalimot na ibahagi ang positibong pag-aaral at madalas na kawalan na natin ito.

Isa sa mga elemento na mapalakas ang ating emotional intelligence ay ang kalidad ng iyong pakikisama at relasyon sa iba, at ipinakita sa pag-aaral kahit na ang pinakamaliit na papuri ay mas matinding kaibhan sa namagitang relasyon at mas dakilang samahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page