top of page

Paano sasaya at mahalin ang sarili kahit na inaapi ka na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 5, 2020




Ang paghahanap ng iyong sariling kaligayahan ay nagsisimula at nagtatapos din sa sariling paraan. Basahin at alamin kung paano magkaroon ng higit pang saya sa buhay.

  1. MAKINIG SA MGA NANG-AAPI. Isa bang bagay ito na maliit lang gaya ng narinig mong, “Ngii, hindi bagay sa iyo ang kulay na iyan,” o isa namang marahas na komento na gaya ng, “Ang tamad mo naman!” Ang ganito kaliliit na komento ay parang isang lamok na kumagat sa iyong braso, kailangan silang iwasan pero ang mga marahas na komento kahit na maliit ay kailangan ng mas marami pang atensiyon.

  2. TANUNGIN ANG SARILI KUNG ANG MARAHAS NA KOMENTO AY TOTOO. "Tamad ba talaga ako?” Kung alam mo na agad ang sagot, huwag nang pansinin ang komento (maliban na lang kung paulit-ulit, tapos ay saka iwasan na ang naturang tao, kausapin siya hinggil dito o sabihin sa amo o teacher kung kailangan).

  3. TANUNGIN ANG ISANG MAPAGKAKATIWALAANG KAIBIGAN KUNG INIISIP NILA NA ANG KOMENTO AY TOTOO, O TANUNGIN NANG DIRETSAHAN ANG NATURANG TAO KUNG TOTOO ANG NATURANG KOMENTO AT BIGYAN KA NG EHEMPLO. Ang isang mabuting kaibigan ay konstruktibo at nakatutulong hangga’t kaya nila. AYUSIN NA AGAD ITO KUNG INIISIP MO NA INIINSULTO KA NG NATURANG TAO. Walang taong perpekto, pero ang pagiging aktibo ay tiyak na mag-iibayo sa lahat ng aspeto ng iyong sarili. Sobrang mahina? Ayusin ito. Humugot ng lakas ng loob o magsanay na magsalita sa harap ng publiko. Mataba? Ngayon ka na mag-enroll sa gym. Hindi mo kailangang gawin ito nang sapilitan pero sa maliliit na bagay lamang nagsisimula ang pang-aapi ay maaari mo nang maipag-ibayo nang buung-buo ang iyong sarili maging ang iyong ugali.

  4. MATUTONG DEDMAHIN ANG MGA WALANG KUWENTANG KOMENTO. Ang kanilang opinyon ay para lamang makasakit ng iyong damdamin at hindi naman lahat totoo. Sikaping tandaan na ang mga taong madalas na uminsulto ay dahil sa galit, inggit o selos nila. Ang ilang tao ay sadyang ipinanganak nang masakit kung magsalita. Pero anuman iba pa niyang sasabihin ay dapat na lamang na kalimutan.

  5. TAWANAN NA LAMANG ANG LAHAT. Hindi naman isang malaking bagay ito, hindi mo na dapat pang seryosohin ang isyu na ito. Pero tandaan, ang pagtawa sa isang bagay na nakasasakit sa iyong tiwala sa sarili ay hindi dapat. Nagbibigay lamang ito sa pakiramdam ng iba na malaya nila itong magagawa nang palagian sa iyo. Kailangang harapin siya paminsan-minsan.

  6. ALAMIN kung ano ka at kung ano ang iyong gusto. Kung ikaw ay komportable sa sarili mong balat, ang pagmamahal sa sarili ay natural nang nangyayari.

  7. GUMAWA ng listahan ng mga bagay kung saan ka magaling o anong gusto hinggil sa sarili. Halimbawa, “May maganda akong ngiti” o “Ako ay magaling na manlalangoy.” Ang magkaroon ng listahan ng magagandang kalidad ay para madama ang iyong kahalagahan.

  8. Kailangang maglaan ng maraming oras na mag-isa para makilala ang sarili. Tanungin ang sarili, “Ano ba ang aking gusto?” Anong bagay ang nagpapasaya sa akin?” Ano ang hindi ko gusto?” "Ano ba ang handa kong gawin upang mapanatag ang sarili?” Ang pagsulat sa isang notebook ay inirerekomenda.

  9. Kapag alam mo na kung sino ka, at kung ano ang iyong gusto, masisimulan mong makaakit ng mga taong magugustuhan ka. "Birds of a feather flock together" ay HINDI lamang isang kasabihan, totoo na iyan.

  10. Ang pagkakaroon ng mapagsuportang kaibigan ay makatutulong sa iyo upang ‘di na mapansin ang malilit na bagay.

  11. Tandaang magsisimula ang lahat ito kapag sinusuri muna ang sarili at magustuhan ang sarili. Hanggang sa magawa ito, huwag magtaka kung marami na ang maakit sa iyo.

  12. Good luck sa masayang daan na tatahakin.

  13. LAGING TANDAAN AT HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN NA IKAW AY ISANG MAGANDANG NILALANG. ISANG MABUTING TAO AT MAY LUGAR SA MUNDONG ITO AT WALANG SINUMAN ANG HUHUSGA SA IYO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page