top of page

Paano nga ba magkaroon ng tsansa na manalo sa raffle?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 19, 2020




Hindi talaga mahuhulaan kahit ni Maestro Honorio Ong ang kapalaran ng kahit sino sa atin pagdating sa mga winning prize at winning items ngayong panahon ng Kapaskuhan lalo na ang Christmas parties na pawang virtual na idinaraos.


Baka posibleng mapanaginipan pa natin ang ating mga mapapanalunan. Pero alam n’yo bang ang mga eksperto ay may tips kung paano magkaroon ng malaking tsansa ang isa sa atin na magwagi sa raffle.


At dahil marami ang gustong magwagi ng naglalakihang cash prizes, gadgets na tulad ng cellphones, ipad, netbook, laptop, telebisyon, electric fan, refrigerator, microwave, travelling bags etc, naturalmente na advance pa lang pa lang ay may ibinibigay nang raffle numbers sa inyo at iiwan nila ang numero mo sa tambiolo o dahil walang personal na ganyan ngayon ay uso na ang spin on wheels na nasa mga apps na.

1.Kung ikaw mismo ang maghuhulog ng raffle tiket mo sa tambiolo ay lukutin mo raw ng bahagya. Ang mga bumubunot kasi ng tiket ay mas may tsansa na bunutin ang tiket na tila kakaiba ang hitsura at hipo. Pero kung virtual ang labanan ay puwede ka nang umusal nang dasal. Basta’t medyo lulukutin mo nang konti o titiklupin mo nang bahagya ang isang sulok na bahagi ng tiket para “maging kakaiba” ito sa ibang tiket.

2. Lumahok sa raffles o sa tambiolong may kakaunti lamang ng kasali. Kahit sa virtual tiyak kaunti ang sasali. Kung nakita mo sa isang grocery na kakaunti lang ang tiket sa tambiolo ay mas may tsansa ka. Mas magandang sumali kapag ang mga papremyo ay hindi ganoon ka-bongga tulad ng vacuum cleaner o free salon service. Tingnang mabuti ang mga tiket sa tambiolo maging ang iba pang naghuhulog dito. Mas may posibilidad kasi na manalo ka ng raffle kapag kakaunti lamang ang tiket na kalahok.

3. Kung sasali ka sa larong Bingo, pumili ng tiket na madalas na tawagin ang numero. Ang madalas na matawagan na numero ay tinatawag na “masusuwerteng numero” habang iyong hindi gaanong natatawag ay “mababantot na numero.” Ganito rin ang dapat na gawin kapag tataya ng lotto.


4. Maglagay pa ng maraming lahok na raffle ticket. Ika nga, “the more raffles you enter, the greater the chance that you will win a prize!” Dapat lagi kang nakabantay sa raffle promo o tambiolo ng isang grocery o sa inyong lugar at tandaan ang mga premyo ng araw na iyon at huwag na huwag kalimutan na maglagay ng mas maraming entries mo.


5. Kung halimbawang lalakipan mo ng mga empty packs ng produkto ang iyong entry, tiyaking kumpletuhin ang iyong mga contact information sa papel. Napo-forfeit o nababalewala ang mga raffle entries lalo na kung may kulang sa naisulat na impormasyon. Kahit na sa last minute mo naihabol ang iyong entry, siguraduhin mong ma-fill up mo nang kumpleto ang kailangang contact information.


6. Mas piliing hanapin ang mga tindahan o restaurants na hindi matao na nagdaraos ng weekly raffles para sa libreng pagkain o anumang items kung saan ihuhulog lang sa cash register ang iyong pangalan para maianunsiyo ang mananalo. Magpi-fill up ka lang naman ng form doon o kaya ay maghuhulog ng iyong tarheta sa isang malaking garapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page