Paano mapagaganda ang pictures para sa V-Day gift?
- BULGAR

- Feb 16, 2021
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 16, 2021

Puwede pang humabol ng V-day gift dahil kasusuweldo lamang kahapon ng akinse, ang Valentine's Day o buwan ng mga puso ay panahon para mai-share mo ang iyong pagmamahal at pagkalinga sa pamilya at mga kaibigan. Maging ang hindi makalilimutang picnic kasama si labs o pagbibigay ng heart-shaped candy sa isang bata, ang punto ay kailangang maghitsurang personal at thoughtful ang iyong alaala. Isang magandang customized gift para sa ka-Valentine ay picture gifts.
1. VALENTINE’S DAY BOX. Gumawa ng decorative Valentine’s Day box na may larawan. Lumikha nito at gawing very memorable ang gift. Simulan sa mas maliit na wooden box. Pintahan ng pink o pula. Dikitan ng iba’t ibang kulay ng gems sa kabuuan nito. Pumili ng gems na clear, pula, purple at asul. Idikit ito sa buong kahon. Sa loob ng Valentine’s Day box, ilagay ang mga larawan ninyong dalawa o isang larawan na personal sa kanya.
2. PHOTO WALL. Ang isang family photo wall ay nakasosorpresa at nakatutuwang regalo. Gawin ito para sa partner, asawa o magulang na hindi nila naikakabit sa kanilang dingding. Gumamit ng double-sided tape para maikabit ang vertical pictures, lahat sa parehong size sa dingding. Iayos ito hanggang sa maging hugis puso ang lahat sa dingding. Ang sukat ng picture wall ay depende kung gaano karaming larawan mayroon ka at sukat na rin ng dingding.
3. MAGNETS. Isang practical na picture gift para sa Valentine’s Day ay magnets. Magpagawa ka muna sa photo lab. Bumili ng magnet frame pictures. Puwedeng maglagay ng pangalan o mensahe sa picture magnets. Tiyak na maalalang lagi ng bibigyan mo ang iyong pagiging thoughtful tuwing tinitingnan niya ang regalo mo.
4. PHOTO NECKLACE. Ang picture gift idea para kay nanay o kahit sa isang bata ay necklace. Puwedeng si labs ay bigyan din ng picture necklace ninyong dalawa at maging ang mga anak ninyo. Puwede ring magbigay kay lolo’t lola ng photo necklace na may litrato ng kanyang apo.








Comments