top of page

Paano makokontrol at malalampasan ang selos?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2021
  • 3 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 5, 2021


ree


May isang pulis na nagpaputok ng baril noong bisperas ng Bagong Taon 2021 at iyon ay dahil daw sa selos. Hindi na natin uuriratin kung bakit siya nagselos. Tungkol sa bagay na iyan, ipagpalagay natin na ayaw mo kahit paano na magselos sana sa iyong kaibigan o ibang tao na nakagagawa ng higit pang bagay sa iyo, pero bakit ganoon, parang hindi mo yata maiwasan na maramdaman ito. Paano mo ba mapanghahawakan o makokontrol ang ganitong pakiramdam at malampasan ito at hindi na humantong pa na makasakit ng iba?


1. AMININ NA RAMDAM MO ANG PAGSESELOS. Minsan ang pinakamahirap na parte ng pakiramdam mong pagseselos ay sa pamamagitan ng simpleng pag-amin nito sa sarili. Pero kung tanggap niya at dama ang tunay na damdamin sa sarili habang nagseselos, hindi ka naman galit o inis, mas makokontrol mo ito nang tama.


2. ANO NGA BA IYANG PINAGSESELOS MO? Ngayong tapat ka sa iyong sarili na ikaw ay nagseselos, ano nga ba ang nasa kalooban ng isang tao kung bakit umiiral ang ganitong damdamin? Ang tao ba na iyan ay higit na may talino o talento kaysa sa iyo? Ang personal bang ganyang kalidad ay hirap para sa iyo na maabot mo?


3. ANO BA ANG GUSTO MO? Kapag alam mo na kung ano ang iyong ikinaseselos, isipin mo kung ano ang ibig sabihin niyan sa iyo. Halimbawa kung nagseselos ka dahil ang kaibigan ay sikat na sikat sa ka-opposite sex ibig sabihin, sana iniisip mo na maging ganoon ka rin. Hindi naman iyan masama, iyan ay isang layunin na nais mong maabot.


4. PAANO MO MAABOT ANG IYONG LAYUNIN? Kung alam mong may hangarin ka sa mas mabuti, pigurahin ito kung paano ito maabot. Habang totoo na ang ilang tao ay may natural na talento sa isang bagay, ang pagsisikap kung minsan ay nagwawagi sa dakong huli. Kahit na hindi mo kayang makipagkompetensiya kahit kanino, paano mo malalaman na mas magaling ka?


5. ANO ANG MAS MAGAGAWA MO PARA MADAIG SIYA? Gumawa ng listahan ng mga bagay na magagawa o nang mas mabuti kaysa sa taong iyong kinaiinggitan. Halimbawa, maaaring ang kaibigan ay sobrang galing sa math whiz. Pero mas magaling ka naman na makipag-usap at kumumbinsi ng ibang tao. Minsan makatutulong na matandaan ang iyong sariling kakayahan, talento at kalidad na wala o kulang ang iba.


6. IKINUKUMPARA MO BA ANG IYONG SARILI NANG PAREHAS? Reyalistiko ka ba sa iyong pagkukumpara? Halimbawa, kung ikaw ay 13-anyos na atleta kumpara sa iyong 21-anyos na pinsan, iyan ay hindi na parehas na pagkukumpara. Kung ikukumpara mo naman ang sarili sa isang bikini models, puwedeng mainggit ka pero, dadayain mo ang iyong litrato sa photoshop at mamanipulahin mo ang hubog ng iyong katawan.


7. KUNG MATAPAT KA, AMININ MO NA NAGSESELOS KA. Oo, napakasarap na aminin sa sarili na nagseselos ka sa kanyang husay sa isang bagay. Mas madalas, ipakikita sa iyo ng naturang tao ang isang bagay na madali lang sa kanya pero mahirap naman para sa iyo. Habang masarap namang damhin na ang ibang tao ay naiinggit sa iyo, sa katunayan, aktuwal itong medyo nakatatakot. Lahat tayo may mali, kahinaan at nakahihiyang mga sandali.


8. HINDI SAGOT NA MANAKIT O MAKAPERWISYO NG KAPWA KUNG NAGSESELOS. Ang panunutok ng baril o pamamaril ay isang wala sa katinuang desisyon kung gagawin. Hahantong ka lamang sa piitan o kaya naman ay ikaw ang mapapahamak kung gagawa ka ng mali sa iba dahil lamang sa nararamdamang selos. Makatutulong ang mga naturang tips upang maiwasan ang sobrang pagseselos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page