top of page

Paano makatipid sa panahon ng Christmas season

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 12, 2020




Kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa pagtitipid ng pera sa panahon ng Pasko, tipikal na nating tinutukoy ang tungkol sa pamimili ngayong Holiday season.


Ito kasi ang panahon na nakaaakit na gamitin ang lahat ng cards, ATM o maski ang credit card. Para bang ito ang panahon kung saan hahaba nang husto ang mga utang. Kahit saan ka pumunta, ang daming bagay o ang daming nagbebenta ng kung anu-ano na may kaugnayan sa Pasko at gusto pa ay halos gusto mo pang pakyawin dahil sa rami ng iniaalok na pangako o discount.


Alam kasi ng mga salesperson na gagastos ang tao ngayon at aligaga na sa pagbibigay ng regalo sa kanilang mga mahal sa buhay simula pa lang sa araw ng Thanksgiving hanggang sa Bisperas ng Pasko.


Kaya paano nga ba ang gagawin, at aktuwal kang makatipid sa pera ngayong nakaka-stress ang gastusan ngayong Pasko? Heto ang tatlong basikong paraan para makatipid sa nalalapit na Pasko nang hindi ka mag-alala para makapag-iwan pa ng malaking pera sa bangko kahit kabi-kabila ang gastos.


1) Humanap ng mga bagay na mabibili na may mahal na presyo, isulat ang modelo at tingnan sa mga second hand o PX goods na may pareho ring kalidad pero mas mababa ang presyo. Sa online purchase ay mura lamang ang bilihing mga kagamitan dito dahil may kalidad at may inventory rito.


2) Ilabas na ang mga natatagong gift certificates. Ito ang sasagip sa iyo para sa iba pang gastusin. Maaari itong magamit na pang-alternatibo na panregalo pambili ng kagamitan o pagkain. Alam n’yo ba na maraming retailers ang nag-aalok ng gift certificates dahil alam nilang 95% ng kanilang produkto ay hindi na mare-redeem. Ang galing ng estadistika! Pero totoo ito.


Kaya kung mayroon ka pa ring nakatagong GC, gamitin na ito ngayon lalo na kapag may discount na ang produktong bibilhin. Mababawasan nito kahit paano ang laki ng halaga ng iyong mga bibilhin.


3) Wala nang tatalo sa homemade, gumawa ng regalo sa bahay. At dahil ipinakikita mo ang tunay na malasakit at pagmamahal sa taong iyong bibigyan, gagawin mo ito nang ayon sa iyong pagiging malikhaing paraan at para magkaroon ng mas makahulugang paraan ng pagbibigay nito. Isa pa’y hahanga rin sila sa iyo dahil sa iyong pagiging malikhain.


At ngayong may rason ka na kung bakit kailangan mong makatipid, imbes na gumastos ng malaki at may matira ka naman sa iyong pinaghirapan sa buong isang taon na bonus at iba pang insentibo, dapat mo nang mapag-aralan ng husto ang mga halimbawang nabanggit upang hindi ka mahirapan sa pinansiyal na aspeto ngayong Holiday season.

Ang mga pangunahing mungkahi ay para di ka masyadong mag-worry sa darating na Pasko. Puwede ka ring magsimulang magtatag ng sariling online home based business buhat sa natutunang marketing strategies at maging tagumpay sa negosyong online.

Kung sa Kanluraning bansa ay nagagamit nila ang internet para sa pamimili dito sa ating bansa ay patok pa rin ang pamimili ng mura sa mga tiangge, Divisoria o maging sa Baclaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page