Paano maging mautak bago pa dumating ang kalamidad
- BULGAR

- Nov 14, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 14, 2020

Ang artikulo na ito ay magbibigay sa iyo ng ideya at tips kung pano ka maghahanda sa hagupit ng kalamidad.
1. Ang tsansa anuman ang kahihinatnan sa pagharap ng anumang hagupit ng kalamidad o krisis sa iyong buhay ay dapat na maging malakas ang iyong loob at mautak ka. Kaya kung tutuparin ang ilang simpleng hakbangin higit kang preparado na maharap ito.
Ang iyong kailangang gawin ay humanap ng ligtas at tuyong lugar sa iyong bahay para mailagak ang ilang napakahalagang bagay. Kabilang na ang dry foods na mahaba ang buhay at iba pang pagkain na at least magtagal ng isang buwan. Ilang water cooler bottles ng fresh drinking water. Radyo at baterya at dagdag ang mga bagay na gaya ng flashlights, medical kit at iba pang karaniwan na disaster preparation items na mailalagak sa isang kahon sa isang ligtas na tuyong lugar sa bahay.
2. Ang susunod na bagay na gagawin ay maghanda sa sitwasyon sakaling isa man sa tubig o kuryente ang maputol ang suplay. Bumili ng heater na de gas. Sakaling malamig man ang gabi dahil sa baha, may alternatibo kang pagkukunan ng pampainit ng paligid. Ang isang pangunahing bagay na dapat ihanda ay iyong mga puwedeng maputol ang suplay para hindi lamigin dapat ay may de bateryang heater at hindi magka-hypothermia dahil nababad ka sa tubig ulan at hindi lagnatin.
3. May nakalaan kang financial back up plans. Hindi dapat lahat ng pera mo ay nasa bangko, dahil ang mga lekat na bangko kung minsan kapag apektado rin ng kalamidad o baha ay hindi gagana ang mga computers lalo na ang ATM machine. Mahihirapan kang lalo dahil wala kang pera. Kaya mainam ay mayroon kang safe deposit box. At iyan ang pangunahin mong iligtas at diyan ka maaaring makahugot ng cash. Pinakamahalaga na rin ay magkaroon ng paglalagakan ng pera na isang malit na fireproof at waterproof na kahon. Ilagay na ito sa isang lugar na walang ibang nakakaalam, at doon ilagak ang pera. Kailangan mong magtago ng pera at kailangan mo ng cash kapag dumating ang isang hindi inaasahang mga kalamidad at pati mga bangko ay sarado, inabot din ng baha pati ang mga ATM machine. Isa pang bagay na dapat mayroon ka ay credit card na may mataas pang balance o line of credit. Ito pa rin ang magiging alternatibo mong pagkakagastahan kung sakaling kailangan mo ito.
4. Ang gasolina ay isa pang napakahalagang item na dapat ikonsidera. Ang magkaroon ng tsansa na makapagluto sa isang stove na pang-camping fuel o propane gas ay mahalaga. Ang magkaroon ng ilang malalaking container ng gasolina na nakalagak nang ligtas sa iyong garahe ay isang magandang ideya. At least magtagal ka man sa isang bahay ay magagamit pa ito ng isang buwan.
5. Kung wala kang bisikleta, dapat mayroon ka nito. Kahit di ka marunong, subukan mo na. Sakali kasing may kalamidad, walang gasolina na mabili, at least may tsansa kang makarating sa malayu-layo ring lugar. Ang totoo, kung ang sitwasyon ay seryoso, puwede itong magamit, kumpara sa paglalakad lang.
6. Isa pang simpleng bagay na magawa para makapagsimula ng sideline business. Kung ayaw mo ay ayos lamang, pero kahit paano ay humanap ka ng isang bagay na magagawa mo sakaling mawalan ka ng trabaho o walang operation ang inyong kumpanya dahil sa naapektuhan din ng kalamidad. Sabihin na nating papasok ka bukas para magpunta sa trabaho, pero naka-lock ang gate at lubog sa baha ang pabrika na iyong pinapasukan. Ngayon ay ano na? Kung wala kang alternatibong paraan para magkaroon ng pera maaari kang maghanap sa panahon ng krisis. Kaya humanap ng mga trabaho sa paligid-paligid tulad ng paglilinis ng ibang bahay, pagwawalis sa loob ng bakuran, mag-aalis ng putik, floor installation, pagpipintura, paghahardin, yaya, delivery boy, tagaluto, tagapaglaba etc. At least nawalan ka man ng trabaho mayroon pa ring paraan. Paano pa kakasya ang pera mong nakatago ng personal at perang nasa bangko kung wala ka nang trabaho?
7. Kung hindi mo kaya na kumuha ng panibagong bahay at hindi mo naman kayang umalis sa lugar na iyan ng mga naapektuhan ng landslide o pagbaha dahil sa malapit sa ilog o lawa, puwede n’yo pa namang buuin ang inyong bahay pero instalahin n’yo rin ang iyong heater para hindi kayo ginawin. Maglaan ng pagkain at tubig.
8. Ang iba pang mahalagang konsiderasyon ay: Ano ba ang status ng iyong insurance, mga bagay na gaya ng bahay, sasakyan, life insurance etc. Saklaw ka ba nito kahit na hindi kayo binaha ng 50 taon? May medical emergency number ka rin dapat ng iyong doktor.








Comments