Paano madidisiplina si bagets para 'di maging rebelde?
- BULGAR

- Jan 25, 2021
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 25, 2021

Sa rami ng mga kabataan ngayon na nagiging miyembro ng makakaliwang grupo, at tumutuligsa na sa gobyerno, hindi maawat sa pagsali sa mga rally, demonstrasyon at gusto pang nasasaktan ng mga awtoridad kapag nagkaroon ng dispersals, nasabugan ng molotov, tinamaan ng bala, ano pa ba ang ibig sabihin nito? Sa bahay palang habang bata pa, subukan mo na siyang kausapin. Ilang mga aklat na rin ang iyong binasa at lahat na yata ng artikulo sa pahayagan at magasin ay sinunod mo na pagkatapos nanonood ka pa ng talk shows. Ngayon pa lang disiplinahin mo na.
Nasa gitna pa naman kayo ng problema ng iyong mister, wala kayong pera kung kaya dobleng paraan ang ginagawa ninyo ngayong dalawa para mabuhay ang buong pamilya. Dahil diyan akala ng anak mong teenager ay napapabayaan n’yo na siya. Ano nga ba ang nagbubunsod sa kanya para magrebelde?
Ang mga tradisyunal na disiplina ay hindi umubra. Kahit ang disiplina ng dati mong magulang ay ginaya mo na ang estilo pero hindi pa rin umubra.
Bagsak ang grado niya sa iskul, hindi gumagawa ng assignment at hindi mo na alam kung sa paanong paraan mo na siya kakastiguhin.
Narinig mo na ba ang pagkastigo nang hindi siya pinapalo para makinig siya at sumunod? Oras na siyang umayos kapag nasasaktan ka na. Ang mga sumusunod ay ilang paraan para madisiplina nang hindi siya tatamaan sa pisikal na paraan.
1. Kung kailangan niyang sumunod sa tamang pag-uwi sa bahay,dapat may dalawang bagay kang utos na paiiralin. Una ay sabihing “hindi puwede.” Ang paglabas-labas niya at pakikipagkaibigan ay isang uri ng prebilehiyo pero hindi isang karapatan kung kaya napakahalaga sa isang tinedyer na maintindihan ang kaibahan nito. Ang prebilehiyo ay binigyang kahulugan ng dictionary.com na isang “advantage o source of pleasure granted to someone, under certain conditions.” ‘Ika nga may kondisyon pa rin kahit nagagawa na niya ang gusto niya.
Habang ang right o karapatan naman ay binibigyang kahulugan na na isang bagay na “due to anyone by just claim, legal guarantees, moral principle, etc."
Karapatan ng bata na mamuhay ng nasa ayos, at ligtas na paligid. Ang pagdalo niya sa prom ay hindi isang karapatan, kundi isa itong prebilehiyo. Ikalawa, huwag siyang bigyan ng susi. Ang pagmamaneho niya ay isa sa pinakadakilang prebilehiyo na nae-enjoy ng tinedyer, pero kung limitado lang ang kanilang paggamit nito at hindi sila pinapayagan kung sinu-sino lang ang kasama niya, higit na susunod siya sa tamang oras ng kanyang pag-uwi.
2. Sa kaso ng isang tamad na bata na hindi man lang marunong mag-ayos ng sariling mga kalat sa kuwarto niya. Bukod sa marumi na ang mga gamit ay mukha pang binagyo ang buong kuwarto niya. Subukan ang ibang approach ng pag-uutos para malinisan ang sariling kuwarto. Ang mga teenager kahit pa sabihing mahilig sa bagong damit at pamporma pagkaharap sa mga kaibigan, pero kung hindi naman siya marunong mag-ingat sa mga branded na gamit na kanyang pinabili pa sa’yo at nakakalat lang kung saan-saang sulok ng kuwarto niya at nanggigitata, pinakamabuting kunin mo nang lahat ng mga mamahaling niyang damit at ikaw na mismo ang mag-ingat na itago ito. Palitan na lang ng mga de bangketang damit. Bigyan lang siyang plain colors na hindi dumihin, tulad ng grey, navy at black.
Sabihin mo sa kanyang isusuot lang niya ang mga branded niyang damit kapag kinakailangan at ipakita mo bilang magulang na may malasakit ka sa kanyang mga gamit. Oras na magbago na siya, saka mo lang na muling ibalik sa closet niya ang mga damit niya.
3. Kapag nakita mong tila hindi nakikinig ang iyong tinedyer, tanungin ang sarili kung tama ba ang iyong diskarte. Habang nagsasabi ka ng iyong tamang punto, nakikita mo bang naglalagay ba siya ng earphone at saka maglalaro ng mobile legend?
Wala ba kayong makahulugang usapan habang kumakain at sa halip ay text nang text ang iyong anak? Hindi maganda na gagamitin ng iyong anak ang mp3 na ikaw pa mismo ang bumili para hindi ka niya pakinggan. Kabastusang ugali ito. Tila hindi siya nakikinig. Kumpiskahin ang mp3 niya at huwag na itong ibabalik pang muli sa kanya, hayaan mo siyang mag-ipon ng pera para makabili ng sarili niyang gusto.








Comments