Paano kakayanin ang mga pang-aakusa
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 18, 2020

Panahon ng krisis ngayon, imbes na sana ay magtulungan, hayan at naglalabasan ang mga akusasyon ng bawat pulitiko at mga kilalang personalidad sa isa’t isa. Ang maakusahan ng isang bagay na hindi mo ginagawa ay parang nakadidismayang karanasan. Parang sa magkarelasyon na inaakusahan ka na mayroon kang karelasyong iba o inaakusahan sa pagiging kriminal at ilegal. Maging sa social media, may mga nabibiktima ng akusasyon.
Mayroong ilang hakbang na magagawa mo para makaya ang sitwasyon at nginingitian na lang ang bagay na ito kung hindi naman totoo.
Manatiling kampante at huwag mairita o malungkot sa mga taong nagpapakalat ng maling akusasyon. Kung ang minamahal mo ang siyang gumagawa nito sa’yo, sikaping determinahin kung ano ang nag-uugat sa kanila kung bakit nila nagagawa o ano ang nagtulak sa kanila para pagbintangan ka at akusahan ng kung anu-ano. Maaaring dahil na rin sa kanilang kakulangan sa tiwala o mga nagdaang ginagawa na minasama nila sa dakong huli. Kung mayroon mang iba na umaakusa sa iyo dahil sa gumagawa ka umano ng ilegal, manatili kang tahimik, irekord o idokumento ang lahat ng mga sinabi o inakusa hinggil sa iyo at saka ka humingi ng payo sa mga abogado nang agaran.
Magtipon ng mga katotohanang impormasyon o patunay na ang kanilang akusasyon ay pawang mali. Determinahin kung ang kanilang akusasyon ay base sa kanilang sariling irasyonal na pag-iisip. Kung ikaw ay inaakusahan ng isang bagay na ilegal, kailangang magkaroon ng abogado na may mga naipon ding impormasyon kung maaari hinggil sa sirkumstansiya ng sitwasyon, at ang iyong pagiging inosente at kung nasaan ka ng mga araw na iyon na naganap ang ibinibintang nila o kung saan nangyari ang bagay na iyon.
Bigyan ang umaakusa ng oras at pagkakataon na magpalamig kung sobra na ang kanyang nagiging reaksiyon, ang paggamit ng irasyonal na pag-iisip at pagtanggi na makinig sa iyo. Tanungin ang sarili kung ito ang unang pagkakataon na ang taong ito ay ganito ang ginawa at may maling akusasyon sa iyo, o kung ang kanilang aksiyon ay tama bang isagawa sa inyong relasyon na kailangang ihayag sa harap ng isang abogado o tagapamayapa.
Kilalanin at gumamit ng may kredibilidad na saksi na siyang magsasalita sa panig mo hinggil sa naturang sitwasyon. Kapag ikaw ay inaakusahan sa isang krimen, hilingin sa naturang tao na kilala mo na isulat ang mga positibong bagay sa panig mo hinggil sa karakter at kung anong uri ka ng tao. Ang sulat na ito ay maaaring buhat sa tao na iyong nakatrabaho, kapitbahay, pamilya, mga kaibigan at miyembro ng simbahan.
Humanap ng mga susuporta o makipag-usap sa mga pribadong tagapayo na makatutulong sa iyo para mapanghawakan ang sariling emosyon at galit kapag mali ang akusasyon sa iyo.
Kausapin ang mga taong nakaranas na rin ng naturang sirkumstansiya na maglalaan ng paglilinaw kung paano hahawakan ang sitwasyon gayundin sa mga komportableng tao para hindi mo maramdaman na nag-iisa ka.








Comments