top of page
Search
  • BULGAR

Paano ire-reset ang user ID at password sa My.SSS?

@Buti na lang may SSS | February 7, 2021



Dear SSS,


Ano ang gagawin kung nakalimutan ko ang password ko sa aking account sa My.SSS? Salamat! – Sonia ng Taguig City


Sagot


Mabuting araw, Sonia!


Para sa iyong katanungan, kung nakalimutan ng miyembro ang kanyang password o ang kanyang user ID, simple lamang ang gagawin niya. Magtungo siya sa My.SSS portal at makikita sa “Member Login/Employer Login” ang “Forgot User ID or Password.” I-click mo ang “Forgot User ID or Password.”


Matapos nito, lalabas ang “Forgot User ID/Password?” at ilagay mo sa bahagi ng “CRN/SS Number” ang iyong Common Reference Number (CRN) na matatagpuan sa iyong UMID card o kaya ay ipasok mo ang iyong SS number.


Sunod, i-click mo ang “Submit” button. Ipadadala ang iyong user ID at password sa e-mail address mo na ginamit mo upang magrehistro sa My.SSS. Kaya dapat aktibo pa rin ang e-mail address na inirehistro mo sa My.SSS.


Subalit, kung hindi na aktibo ang e-mail address o hindi na ma-access ng miyembro, kinakailangan mo nang magpadala ng mensahe sa onlineserviceassistance@sss.gov.ph para humingi ng tulong na mai-reset ang iyong user ID o password sa iyong My.SSS account. Maaari ka ring bumisita sa e-services counter sa pinakamalapit na sangay ng SSS para matulungan ka sa pagre-reset ng iyong user ID o password.


Paalala rin namin sa iyo at sa ibang miyembro na huwag ipapaalam sa ibang tao ang user ID at password ninyo sa My.SSS upang hindi magamit ang inyong account sa anumang fraudulent claims.


◘◘◘


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, hinihikayat namin ang mga miyembro at employer na bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


◘◘◘


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page