top of page

Paano ba matanggap na 40-anyos ka na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 7, 2020




Ang dami kong ka-FB friends na may kaarawan ngayong Nobyembre. Karamihan ay tumuntong na sa edad 40. Sa ilang kaso, kung minsan ang ating kultura, ang kumokondisyon na sa ating isipan na ang pagtuntong sa edad 40 ay ang simula ng katapusan. Hindi ito totoo, lalo na sa lipunan natin ngayon kung saan ay maganda naman ang kinahantungan ng iyong buhay mula dekada 90 at 2000.


Sa ilang tao, ang ika-40 kaarawan ay panahon na dapat ipagdiwang ang lahat ng mabubuting bagay na nagawa sa buhay at gumawa ng planong mas malakihan at mas mainan.


Hindi ito ang panahon para magmukmok at malungkot dahil nagkakaedad ka na. Kung nalulungkot ka at nasa edad 40 na at gusto mong matanggap ang edad na iyan, heto ang ilang napakainam na paraan para hindi ka malungkot.


1.REGULAR NA MAG-EHERSISYO. Kung wala kang regular na ehersisyo, diyan na ngayon sa edad 40 mo hanapin ang oportunidad na magkaroon ng sariling uri ng ehersisyo. Pagka-edad 40 at regular ang ehersisyo, natutulungan kang lumakas at feeling laging bata. Ipinakita sa pag-aaral na ang mga taong nasa edad 40 at regular na may pisikal na aktibidad o ehersisyo ay nagmumukha at ramdam sa sarili na hahaba ang buhay kumpara sa mga walang ehersisyo ang katawan.


2. MAGKAROON NG BAGONG HITSURA.

Isang magandang bagong hitsura ang dapat mong gawin kapag nasa edad 40 na. Magpagupit, pakulayan ang buhok at baguhin na ang estilo ng pananamit. Ito na ang mainam na paraan para mag-make-over lalo na kung walang kadating-dating ang dating estilo ng buhok at pananamit. Ang bagong hitsura ang magpapatingkad sa iyo, magpapasaya at iibayo nang todo ang kumpiyansa sa sarili.


3. YAKAPIN ANG PAGTUNTONG NG EDAD 40. Sa halip na ikahiya o ang iyong edad, sumige ka at yakapin mo ito maging ang pagtanggap mo sa iyong mga natutunan at karanasan sa buhay na kaakibat na ng iyong pagkakaedad dahil iyan ang tutulong para mas maging mabuti kang tao. Damhin ang kumpiyansa sa buhay na darami pa ang kinikita o ang income, buo at mas makahulugan ang lahat ng oportunidad na mangyayari sa’yo at marami ka pang magagawa at maiaambag sa mundong ito.


Ang iyong ika-40 kaarawan ay isang dakilang panahon para magdiwang at magsaya. Huwag itong ituring na simula ng katapusan, pero sa halip isang sariwang simula sa mas exciting at mas makahulugang buhay. Ika nga sa kasabihan, mas mainam ang maging busy o ang maging busy sa pag-iisip na tumatanda hanggang sa huling hininga ng iyong buhay.


Gawing ang pagsapit sa edad 40 at sa iyong kaarawan ay panahon ng pagiging abala at ma-enjoy ang buhay. Ika nga panindigan mo na ang salitang “Life begins at 40.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page