Paalala na ‘wag pagdudahan ang pagmamahal ng gf
- BULGAR
- Mar 4, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 4, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Pasay City.
Dear Maestra,
Shout out sa inyong lahat d’yan sa BULGAR, binabati ko kayong lahat dahil napakabili ng diyaryo n’yo at madalas ay nauubusan ako. Kaya ang ginagawa ko ay maaga na lang akong pumupunta sa bayan para bumili.
Napanaginipan ko na pinuntahan ako ng nobya ko sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. Ang ganda-ganda ng suot niya at nakangiti siya sa akin nang buong giliw.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Danny
Sa iyo, Danny,
Maganda ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo dahil nangangahulugan ito na mahal na mahal ka ng nobya mo. Tapat at dalisay ang pag-ibig niya sa iyo, gayundin, handa siyang maghintay hanggang pakasalan mo siya at maging mag-asawa kayo habambuhay.
Tiwala at pagmamahal ang dapat mong gawin. Huwag mong pagdudahan ang pag-ibig niya sa iyo, sapagkat kayo ang itinakda sa isa’t isa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments