top of page
Search
  • BULGAR

Paalala na ‘wag maging mayabang

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 4, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jowell ng Nueva Ecija.

Dear Maestra,


Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar.


Napanaginipan ko na ang daming pastry sa dining table, tinikman ko ang isa nang masarapan ako ay kumuha pa ako muli ng isa hanggang sa naubos ko ito. Sumakit ang tiyan ko dahil nasobrahan ako sa kinain kong pastry.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jowell

Sa iyo, Jowell,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming pastry sa dining table n’yo, ay makakatanggap ka ng wedding invitation.


Samantala ang nasarapan ka at kumuha ka pa muli ng isa hanggang sa sumakit na ang iyong tiyan, ay nagpapahiwatig na sobra mong yabang. Iwasan mong magbuhat ng sariling bangko.


Hayaan mong purihin ka ng iba at huwag kang magmayabang sa iyong mga achievements sa buhay. Alalahanin mo ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagpapakataas ay binababa.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page