top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paalala na ingatan ang kalusugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 10, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 10, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joel ng Palawan.


Dear Maestra,


Isa ako sa maraming tagasubaybay ninyo. Palagi akong bumibili ng BULGAR kahit malayo ako sa bayan, at sinasadya ko ito para bumili ng dyaryo. Maaga akong pumupunta sa bayan para hindi maubusan ng BULGAR, ‘yun nga lang, nalulungkot ako ‘pag wala ang column ninyo. Sana ay araw-araw naming mabasa ang kahulugan ng aming mga panaginip.


Napanaginipan ko na nagtatrabaho ako sa isang tindahan ng steel. Kahit mahirap magbuhat ng paninda namin, pinagtiyagaan ko ang aking trabaho. Ayos naman ang suweldo ko at matatag naman ang kalagayan ko rito, kuntento na ako at nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng pandemya ay hindi ako nawalan ng trabaho. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,


Joel


Sa iyo, Joel,


Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa aking kolum, nakakataba ng puso ang mga sinabi mo.


Tungkol sa panaginip mo, maganda ang ibig sabihin ng ikaw ay nagtatrabaho sa tindahan dahil ito ay nagpapahiwatig ng komportableng pamumuhay. Hindi ka nagkukulang sa mga pangangailangan sa pang-araw-araw mong pamumuhay.


Ang steel naman ay nangangahulugan ng dagdag na lakas ng katawan upang hindi magkasakit, kaya ingatan mo ang iyong katawan at mag-ehersisyo ka kung kinakailangan.


‘Yun namang kuntento ka na sa kalagayan mo, ang ibig sabihin nito ay may darating kang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita dahil dadalawin ka niya at magiging masaya ang bonding ninyo. Gayundin, kapwa kayo masisiyahan sa muli ninyong pagkikita.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page