top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pa-bingo, iba pang sugal sa Facebook, bawal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | July 2, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa publiko laban sa ilang indibidwal na nag-oorganisa ng illegal bingo games sa internet at online gambling gamit ang Facebook para i-promote ang ilegal na aktibidad.


Nakasaad sa babala ng Pagcor na sinasamantala ang social media at ang pagkatakot ng publiko dahil sa COVID-19 at nakawin ang financial information para gamitin sa ilegal na gawain.


Binalaan ng Pagcor, ang publiko na huwag tangkilikin ang ilegal na aktibidad upang maiwasan na ma-scam, mabiktima ng identity theft at credit card fraud.


Ayon sa Pagcor, isang krimen ang pagpusta sa ilegal na gambling activities.


Wala umanong sinumang tao o organisasyon maliban lamang sa mga lisensiyado ang pinapayagan na magbukas ng operasyon ng sugal sa Pilipinas, kasama na ang online gambling.


Samantala, sa hiwalay na liham, binilaan ni Pagcor Chief Legal Counsel Atty. Roderick R. Consolacion ang Facebook Philippines laban sa paggamit ng ilang tao na nag-oorganisa ng illegal bingo games and internet/online gambling para i-promote ang kanilang pasugal.


Umapela si Consolacion sa Facebook Philippines na agad umaksiyon laban sa ilegal na aktibidad para maiwasan ang pananaw na kinakanlong ang ilegal na sugal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page