Pa-b-day dinner ng ina, 'di sinipot kahit ginastusan nang bongga…

IAN, 'DI MASIKMURANG MAKITA ANG BF NI NORA NA SI JOHN RENDEZ
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 15, 2020

Pasabog at nakakalungkot in a way ang live stream ni Ian de Leon last Sunday kung saan ay nagpaliwanag siya kung bakit hindi siya nakasipot sa inihandang birthday dinner sa kanya ng inang si Nora Aunor.
Lumabas kasi kahapon sa isang tabloid na isinulat ni katotong Rodel Fernando na dinedma ni Ian ang birthday dinner na inihanda ni Ate Guy for him. Ayon sa write-up, naglaan ng malaking halaga ang Superstar sa espesyal na araw na ‘yun na bukod sa venue ay namili pa ng regalo para sa mga apo at may nakahanda ring pakimkim na sobre para sa kanyang mga anak na darating kabilang na ang birthday celebrator.
Walang sumipot na Ian, Lotlot at Matet. Ang nakarating lang daw ay ang bunsong si Kenneth at asawa nito. Labis daw na sumama ang loob ng Superstar at hindi nakatulog nang gabing ‘yun.
Ang katwiran daw ni Ian ay biglang umatake ang kanyang gout.
Sa YouTube vlog ng aktor na may titulong Bitter Truth ay sinabi niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa b-day party.
Ayon kay Ian ay pupunta naman siya talaga at kung may gout man siya, madali naman daw magsaklay para makapunta. Ang totoo raw dahilan,nag-text ang ina sa kanya the night before at nagpaalam na may papupuntahing isang tao.
“Ayokong manlalaglag, ha? Hindi ako nanlalaglag. Gusto ko lang sabihin ang totoo. Ang message ni Mommy, ‘Anak, favor naman, sagutin mo ako nang totoo, sagutin mo ako ng galing sa puso mo. Maiintindihan ko kahit anumang sagutin mo kasi gusto ko, espesyal ang kaarawan mo.’
“Tapos, sumunod du’n, may gusto siyang ipapunta na tao. Sagot ko, ‘Sorry, Ma, I don’t think na magiging comfortable kami.’ And sa mga nakakaalam talaga, alam n’yo na ho ‘yun,” pahayag ni Ian.
Hindi man sinabi ng aktor kung sino ang gustong papuntahin ni Ate Guy, iisa ang hula ng mga nakakaalam at ito ay walang iba kundi ang karelasyon ng Superstar na si John Rendez.
Bukod dito ay nalaman niya na naka-video pala ang pagtawag ng ina sa kanya.
“This has to end, this hypocrisy has to end. We don’t like to live like this anymore. We don’t want to live a lie anymore,” he said.
Naging emosyonal din si Ian nang sabihin niyang mahal na mahal niya ang kanyang ina at gagawin daw niya ang lahat para rito.
“Ang hiling ko lang, Ma, sa birthday ko, uulitin ko, is maging mommy ka, maging Nora Caballero Villamayor ka,” aniya.
Hiling din niya sa kanyang mommy, bigyan silang magkakapatid ng chance na mahalin at alagaan ito.
“Ma, mahal na mahal kita. Hinding-hindi magbabago ‘yun, Ma. Pakiusap ko lang, bigyan mo naman ng chance ang family mo. Ilang taon na kayo, Ma? Bigyan mo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw,” mensahe ni Ian sa ina.
Nakiusap din ang aktor na alisin na ang mga tao sa paligid nito na tila si John ang pinariringgan.
“Pakiusap, Ma, ‘yung mga tao sa paligid n’yo, alisin n’yo na ‘yun. Pamilya mo naman, nakikiusap ako, bilang anak mo. Bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo,” dagdag pa niyang mensahe sa Superstar.





Comments