P8-B Comelec funds, dapat sa pandemya mapupunta at hindi sa bulsa ng mga buwaya
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 19, 2022
P12-B NARAKET SA GOBYERNO NG PHARMALLY ANG DAPAT PAG-INITAN NINA ROMUALDEZ AT ESCUDERO, HINDI ANG P8-B BGY. & SK ELECTIONS FUNDS—Masyadong mainit ang mga mata nina incoming Speaker, Leyte Rep. Martin Romualdez at Sen. Chiz Escudero sa higit P8 bilyong pondo ng Comelec na gagamitin sa barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections kasi ‘yan ang ikinakatuwiran nila kaya nais nilang i-postpone ang halalang pambarangay ay para ang P8-B ay magamit ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panahon ng pandemya.
Kung tutuusin, hindi dapat ang P8-B Comelec funds ang pinag-iinitan nina Romualdez at Escudero dahil nakalaan na talaga ang pondong ‘yan sa halalang pambarangay sa December 5, 2022 at kung meron man silang dapat pag-initan ito ay ang P12-B naraket sa gobyerno ng mga executives ng Pharmally Pharmaceutical kasi ang niraket ng mga ‘yan ay pondong laan sa pandemya.
◘◘◘
KUNG SA MGA APEKTADO NG PANDEMYA MAPUPUNTA ANG P8-B COMELEC FUNDS GOOD ‘YAN, PERO KUNG SA BULSA NG MGA BUWAYA BAD ‘YAN—Kung sakaling makansela na naman ang halalang pambarangay at talagang sa mga kababayang labis na naapektuhan ng pandemya mapupunta ang P8-B Comelec funds, okay ‘yan, good ‘yan.
Pero kung pagpaparte-partehan lang ng mga kurakot at sa bulsa lang ng mga buwaya mapupunta ang barangay & SK elections funds ay bad ‘yan.
◘◘◘
BAGO PA LANG SA DEPED SI VP SARA, NAGPAKITA AGAD NG KAWALANG MALASAKIT SA MGA GURO—Nanawagan ang iba’t ibang asosasyon ng mga guro kay DepEd Sec., Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio na sa Setyembre 2022 na umpisahan ang face-to-face class dahil kung Agosto uumpisahan ay halos wala na silang pahinga dahil napakarami pa nilang ginagawa ngayong July na may kaugnayan sa katatapos na klase last month, pero nanindigan si Sec., VP Sara na wala nang atrasan, tuloy ang klase sa Agosto 22, 2022.
Hay naku, sa umpisa pa lang ng panunungkulan ni Sec. VP Sara bilang head ng DepEd ay nagpakita na agad siya ng kawalan ng pagmamalasakit sa mga guro.
◘◘◘
PARANG SINABI NG BATA NI P-BBM NA BAD ANG PANGRE-RED-TAG NG MGA ALIPORES NI EX-P-DUTERTE SA NTF-ELCAC—Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Sec. Jose Faustino, Jr. na hindi mangre-red-tag ang mga kasalukuyang miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na tulad ng dating ginagawa nina NTF-ELCAC spokespersons ret. Gen. Antonio Parlade at former Usec. Lorraine Badoy.
Kumbaga, parang sinabi na rin ng DND sec. ni P-BBM, na bad ang diskarteng pangri-red-tag ng mga alipores ni ex-P-Duterte sa NTF-ELCAC.





Comments