P6500 na ayuda sa mga drayber, ibibigay na
- BULGAR

- Nov 11, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | November 11, 2020

Plano nang ibahagi sa darating na Lunes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang cash assistance para sa mga public transportation operators na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay LTFRB Regional Director for National Capital Region (NCR) Atty. Zona Tamayo, idadaan sa Land Bank of the Philippines ang cash assistance. Ngayong Miyerkules sana ipa-finalize ang listahan ng mga mabibigyan ngunit nakansela dahil sa Bagyong Ulysses.
"But we're looking at Friday to iron everything and hopefully by afternoon ng Friday or early Monday, the operators with the required data na nasa amin would already receive their allocations for the direct cash benefit," dagdag ni Tamayo.
Parte ng P9.5 bilyong inilaan ng pamahalaan sa road sector sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga operator na naapektuhan ng pandemya.
Ang P2.6 bilyon dito ay inilaan para sa mga critically-impacted business sa transportation agency at kabilang dito ang mga operator ng public utility jeepneys, UV Express, PhilCab, bus at mini bus na makakatanggap ng tig-P6,500.








Comments