top of page
Liza Soberano - IG.jpg

P5M glutathione drip, injectables nasamsam

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 12, 2026



5M illegal gluta drip na nasamsam ng NBI - GMA - John Consulta

Photo: 5M halaga ng illegal gluta drip na nasamsam ng NBI - GMA / John Consulta



Nasabat ng National Bureau of Investigation-National Capital Region ang mga hindi rehistradong glutathione drip at injectables na tinatayang nagkakahalaga ng P5 milyon sa isang bahay sa Quezon City.


Ayon sa NBI, ilang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang lugar matapos makatanggap ng reklamo. 


Sinabi ni NBI-NCR Regional Director Atty. Jun Dongallo na nakipag-ugnayan sa kanila ang Food and Drug Administration (FDA) upang magsagawa ng operasyon laban sa mga hindi rehistradong produkto at gamot.


Ayon sa NBI, posibleng peke rin ang mga nakumpiskang produkto. Ilan sa mga bote ay may laman na, habang nakita rin ang mga sticker na idinidikit umano sa loob ng bahay.

Nagbabala si Dongallo na delikado ang paggamit ng mga ito dahil hindi matukoy ang gumawa at ang mga sangkap na maaaring iturok sa katawan.


Pinayuhan ng NBI ang publiko na tiyaking rehistrado sa FDA ang mga gamot at huwag magpapadala sa murang presyo.


Wala pang pahayag ang may-ari ng mga produkto na nahaharap sa reklamong paglabag sa FDA Law.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page