top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P5K bonus sa job order at contractual, aprub — P-Du30

  • BULGAR
  • Dec 30, 2021
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado | December 30, 2021






Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kautusan na nagbibigay para sa pamamahagi ng gratuity pay sa mga kawani ng gobyerno na nasa ilalim ng Contract of Service (COS) at Job Order (JO).


Ito ang nakasaad sa inilabas na Administrative Order 46 ng Malacañang na pinirmahan ni Pangulong Duterte kahapon, December 29. Mula P2,000 hanggang hindi hihigit sa P5,000 ang matatanggap ng mga COS at job order workers depende sa kanilang performance.


Sa ilalim ng AO 46, binibigyang-diin na ang mga COS at job order workers bagaman pinasusuweldo, wala naman silang tinatanggap na iba pang mga benepisyo tulad ng nakukuha ng mga regular na kawani kabilang na ng personnel economic relief allowance, midyear at yearend bonuses, at performance based bonus dahil wala silang employer-employee relationship sa gobyerno.


Batay sa kautusan, ang pagbibigay ng gratuity pay sa mga COS at job order workers ay pagkilala na rin sa kanilang tiyaga at pagpupursige sa trabaho para sa mga ipinatutupad na programa, proyekto at mga aktibidad kabilang na ang emergency COVID-19 response ng pamahalaan.


Hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na i-adopt sa kani-kanilang mga tanggapan ang pagbibigay ng gratuity pay sa kanilang mga kawani na nasa ilalim ng COS at job order.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page